#25 | Girl Scout

58 3 0
                                    

"Uy bes, Cr lang ako ah? Wait ka dyan." Ani ko kay Sandra, Ang matalik kong kaibigan. 6:30 na ng gabi pero kailangan mag-training para sa upcoming camp sa Mt. Arayat.


"Sige, Balik ka ha?" Saad nito, Tumango-tango na lamang ako at umalis sa bleachers at tinahak ang daan papunta sa mga rest rooms.

Madilim na at wala ng tao sa mga rooms, Bagsak rin ang temperatura dahil sa panahon. Nang marating ang banyo ay pumili ako ng isa sa mga empty cubicles.

Nang makaupo ay may dumaan na pares ng paa na sigurado ako ay estudyante lang rin na nagt-training para sa camp.

Tinapos ko ang pagbanyo at nung lumabas ay wala na doon ang estudyanteng nakita ko, Siguro lumabas na. Pumunta ako sa sink para maghilamos, Pero may kakaibang presensya akong naramdaman. Tumingin ako sa salamin at merong babaeng naka-uniform katulad ng uniform ko pero duguan, basag ang mukha at hindi ka-akit-akit ang kaniyang wangis.

Naistatwa sa aking kinatatayuan, Hindi naman siya gumalaw pero nakatayo siya sa tabi ng pintuan at nakatitig sa akin na nakangiti. Sa sobrang takot ay naisip kong manalangin dahil ang nakita ko ngayon lamang ay isang masama at ligaw na espirito.

Ipinagsama ko ang aking dalawang palad at nanalangin nang taimtim.

"H-Hail mary- Full of g-grace. The Lord is with t-thee.." Nauutal ay sinubukan kong manalangin, Ngunit nang marinig ang mga yapak niya papunta sa aking direksyon at katabi ko na siya. Nakangiti at magkadikit ang dalawang kamay na parang nananalangin.

Ginaya niya ako sa nakaka-asar na paraan, "Hail mary full of grace, The Lord is with thee. Blessed us art thou among women." Saad nito at pinakatitigan ako bago ako mawalan ng malay.

THIS CHAPTER IS BASED ON THE TIKTOK VIRAL VIDEO OF BIANCAKE

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Onde histórias criam vida. Descubra agora