#18 | Pabango

88 6 0
                                    

Paubos na ang mga bote ng pabango na dinala ko sa plaza, Magandang kalidad at sangkap ang mga ginagawa ko na ako rin mismo ang nagtitimpla, "Bili na kayo paubos na!" Sigaw at tawag ko sa mga dumadaang tao. "Uy ano 'yan? Magkano?" Tanong nang napadaan na ale. "150 lang po ate." Saad ko at hinayaang subukan niya ang isa sa mga bote ng pabango.

"Ang bango ah, Makalat pa yung amoy. Bilhin ko na yung tatlo pang-reregalo ko." Saad ng ale at dumukot na ng pera mula sa kaniyang wallet, Syempre masaya ko itong tinanggap at binalot ang mga binili niya sa papel.

Nang matapos at maubos ang benta ko sa plaza ay agad akong pumunta sa palengke upang magtanghalian, Bumili ako nang lahat nang gusto ko sa karinderya at kumain nang masagana.

Nang matapos kumain ay umuwi na ako sa barong-barong na aking tinitirahan, Walang kuryente o tubig na makukuha nang agad-agad at kakailanganin mo pang mag-igib sa may poso sa kabilang barangay.

Binuksan ko ang lumang drum na puno nang pabango, Napulot ko ang drum na ito sa basurahan at puwede pa naman siyang gamitin. Inihalo ko ang pabango gamit ang malaking stick, Sumama sa pagikot ng likido ng pabango ang nakababad na babae na pinatay ko kahapon.

Mas matagal na babad sa likido ay lalong lalabas ang natural na katas ng babae na nagbibigay nang mabangong amoy sa mga binebenta kong bote bote na pabango. Isinara kong muli ang drum at nagrefill na sa mga natirang bote.

"Susubukan kong gumawa ng ibang aroma ng pabango, Sino kaya ang puwedeng patayin para dito?"

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now