#21 | Heneral

66 3 0
                                    

Nagdidiwang ang lahat dahil araw nang dating presidente na si Emilio Aguinaldo, Pinagmamasdan ko ang mga sumasayaw sa entablado. May handaan at fiesta ang bawat bahay, Nagdidiwang at nagsasaya. Mayroon pang nagiinuman.

Ngunit naagaw nang aking atensyon ang isang heneral na nanonood sa likod, May suwabe itong bigote at duguan ang unipormeng pang-heneral. Gulat akong napa-titig sa kaniya at agad na tumakbo palapit sa kaniya upang tanungin kung ayos lamang ba siya.

Tinitigan niya lamang ako at tinitigan muli ang mga nagdu-dulaan nang sinaunang historya nang dating presidente sa loob ng giyera ng mga pilipino laban sa mga amerikano.

"Mali ang itinuro sa inyong mga kabataan." Saad ng heneral, Lumingon ito sa akin at tuluyang lumuha ang heneral na halatang pinipigilan ang pang-loob na emosyon, "Pilipino ang papatay sa kapwa pilipino." Mga katagang nagparamdam sa akin nang lamig na parang binuhusan ako nang malamig na tubig na puno ng yelo.

Ang Heneral na nakikita ko ngayon ay ang pinaka magaling na heneral ng pilipinas, Ang kaniyang pangalan ay Antonio Narciso Luna de San Pedro y Novicio Ancheta.

Ang Heneral Luna.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now