#66 | Air Soft

2 1 0
                                    

Based on a true story.

Tuwing ala una, e, trip naming maglaro sa may eskwelahan kung saan nagta-trabaho si kong Ner. Linggo naman, wala pasok ang mga bata kaya p'wede naming gawing air soft grounds and eskwelahan. Nagumpisa na ang laro at syempre, kung mabaril ka, e, patay ka na at dapat umalis ka na sa espasyo kung saan dapat maglalaro.

Natira ko ang dalawa sa mga kumpare ko nang may makita akong naka-all-black na kalaban, napaisip ako pero di ko maalala kung sino ba sa mga kumpare ko ang naka-all-black. Hinabol ko ito at pinagbabaril ng air soft gun, ilang beses kaming naghabulan hanggang sa naabot namin ang kindergarten area. "Aba, binaril na kita ah! Bakit hindi ka pa tumitigil?!" Pabiro kong tanong rito nang magtago ito sa likod ng pader, sumunod ako pero wala namang nandoon. Baka bumalik na.

Nang makabalik ako ay nagaalala nila akong tinanong kung saan ba ako nanggaling, doon ko na rin napansin na wala namang naka-all-black sa kanila.


(Author's Note: Alam kong medyo nakakalito but let me explain, yung school namin is matagal na 'yon, inabutan rin ng mga sumakop sa ating bansa, and baka daw.. dating sundalo ang nakalaban sa air soft netong ating nasa story hehe.)

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now