#52 | Langaw

69 3 0
                                    

Mainit, Umaalingasaw at sasalubong naman sayo ang amoy ng mga estudyanteng kagaya ko na nagpapawis. Ikaw ba naman ang mag-aral sa classroom na walang electric fan?

Pero ang kapansin-pansin ay ang mga langaw na siya ring kinakainis ko at nang mga iba ko pang kaklase. Wala naman kasing basura banda rito pero maraming langaw.

Ilang araw ang nakalipas nang mabahong amoy naman ang umalingasaw, Parang may pisteng animal na namatay– 'Yon bang naaagnas na? Pinilit kong ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko pero nakakadistract talaga.

Tinaas ko ang kamay ko "Teacher? Ahh.. Gusto ko lang po sanang magpa-excuse para makausap ang adviser namin para sa umaalingasaw na amoy na hindi natin malaman kung nasaan, May I be excused, ma'am?" Pagpapaliwanag ko, Agad naman akong binigyan ng permisyon ng kasalukuyang guro.

While walking through the corridors of the campus, May dumapong langaw sa bibig ko "Ahay! Ano ba 'yan! Bwiset!" Agad kong hinampas palayo ang langaw. I told my adviser about it, Na agad namang sinundan ng aksyon na manghingi nang tulong sa mga utility members to find out ano ang nagccause nang mabahong amoy.

Linibot namin ang senior campus, Sa kung saan nandoon ang building ko, At kalaunan ay nakita kung ano ang nagccause ng unnecessary smell. Doon ko na lang rin napansin kung saan sila tumigil ang mas malakas na mabahong amoy na halos masuka ka na, Ang nakaagaw rin nang pansin ko ay ang libo libong langaw.

"Ma'am." Tawag ng utility member na si Mang Edward sa amin, "Bakit po?" Sagot ng adviser ko.
"Putol na ulo ng aso po ma'am, Inaagnas na."

Nanlaki ang mata ko saka tumingin sa may likuran nila, Doon ko nakita ang putol na ulo ng aso na nakatusok sa kawayan.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang