#55 | Map

6 1 0
                                    

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" Irita kong tanong kay Jasper, sampung minuto na kasi kaming patuloy sa paglalakbay, siya ang nagmamaneho ng kotse. "Ano ka ba? Maghintay ka na lang, ang exciting kaya nito." Sagot nito sakin, nasa likuran naman sina Pauleen at Daniel na naghaharutan sa likod.

Puro damo ang tinatahak namin, na parang wala nang katapusan, ang dilim-dilim rin ni isang streelight wala! "Napaka-matatakutin mo pala, Ella!  Hahahaha!" 'Yon ang asar sakin ni Daniel, inis akong lumingon sa likuran. "E, sa kanina pa tayo dito walang nangyayari, e!" Inis na sagot ko, sino ba naman ang magiisip na maganda idea yung pagpunta sa lugar kung saan nakasulat sa isang mapa na napulot mo sa sahig.

Si Pauleen ang nakapulot n'on, napulot niya sa corridor ng campus, lumang pipitchuging mapa 'yon na parang ni-drawing lang. Pinakita naman niya sa boyfriend ko na si Jasper, e panigurado namang iimbitahan niya kaming puntahan ang mapa na napulot ni Pauleen.

"Bumalik na kasi tayo! Kinikilabutan na ako, e!" Muli kong pagrereklamo, hindi ko na talaga nagugustuhan ang ginagawa ni Jasper na pagpapatuloy sa pagmamaneho. "Easy lang, love. This will be fun, I promise, what if treasure wala ang makita natin?" Lumingon ito sakin at hinalikan ang kamay ko, pinilit ko na lang ngumisi kahit inis na inis na ang nararamdaman ko.

Si Pauleen at Daniel naman ay naglalampungan sa likod, pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at tumingin na lang sa labas kahit wala akong gaanong makita dahil sa sobrang dilim pero may naaninag ako na ikinatayo ng mga balahibo ko sa braso.

"J-Jasper! Diba nadaanan na natin 'yong kotse sa may tabi ng puno na 'yon kanina? Bakit nadaanan na naman natin? Umikot ka ba?" Nanlalaki ang mga mata kong tanong sa kaniya, gulat siyang tumingin sa akin.
"O-Oo! Nadaanan nga natin kanina, pero hindi ko naman pinaikot tong kotse!" Sagot nito sakin, natigilan sina Pauleen at Daniel na nasa likod. "Oh my gosh, what if na-engkanto na us? Oh my gosh– Jasper please! Uwi na tayo!" Natatakot na sagot ni Pauleen, inikot ko ang mga mata ko bago napakapit sa aking tabi. "Sabi na kasi sa inyo! Umuwi na tayo! Jasper please, this is not good anymore." Humawak ako sa kamay ni Jasper na ngayon ay nagaalala na rin.

"Balik na tayo bro, I don't feel so good too." Tugon ni Daniel, sinasabi ko na nga ba at hindi maganda ang pagpunta namin sa mapa na napulot ni Pauleen. Sino ba kasi ang nasa matinong pagiisip ang gagawa n'on? Sila lang! At napaka-tanga ko para naman sumama! Kotse pa ni daddy ang ginamit na tinakas lang namin.

Lumilinga ako sa labas nang iikot na ni Jasper ang kotse para tahakin ang daan pauwi, pero may babaeng nakaputi ang lumitaw sa harapan ng kotse, agad na pumreno si Jasper.

"Jasper!"
"Ahh!"
"Look out!"

'Yon ang mga narinig ko bago kami umiwas at bumanga sa malapit na punong malaki, humampas ang ulo ko sa may harapan, sumakit ang ulo ko ng sobra. Hilo man ay nagpapasalamat ako na kaya ko pang gumising, nang imulat ko ang mga mata ko ay agad kong tinanggal ang seatbelt na nakapulupot sa aking baywang. "Tara na! I can't take this anymore!" Lumingon ako sa aking likuran at natigilan ako sa nakita ko.

Ang babaeng nakaputi, na kulay pula ang mata at duguan ang mukha ay hinahaplos ang dalawang katawan na naaagnas na. Dahan-dahan itong tumingin sakin, hindi ako makagalaw. Saglit kong tinignan si Jasper, nakamulat ang mga mata nito pero naaagnas na rin.

Tumulo na ang mga luha ko at nanginginig na ako sa takot, sinubukan kong buksan ang pintuan nang dahan-dahan pero binulaga ako ng babaeng nakaputi na ngayon ay nakatitig sakin habang nakalapat ang duguan nito sa salamin ng kotse.

Paglingon ko sa likod ay binulaga niya akong muli, ang duguan nitong mga mata na ngayon ay nakatapat sa akin bago ako ginilitan sa leeg.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now