#31 | Hagdan

52 3 0
                                    

Nang pasukin ko ang abandonadong paaralan na nadiskubre ko dito sa aming probinsya, Hindi ako nagdalawang-isip na gumala rito.


Puro kalawang ang mga nasa pintuan at gate, mga vandalism sa pader at mga basura na nagkalat. Bagsak rin ang temperetura at wala nang puwede pang pakinabangan na kagamitan dito dahil kinuha na nila lahat nang puwedeng ikalakal.

Dala ang essentials sa aking bag, flashlight at iba pang kakailanganin, Nagbalak akong matulog ng isang gabi dito. Pinili kong matulog sa third floor dahil panigurado iyon ang pinaka ligtas, Nakakahingal man ay patuloy ako sa pag-akyat.

Nakakapagtaka dahil ang alam ko pangatlong hagdan na 'to at dapat natunton ko na ang pinaka taas, Palakas nang palakas ang tibok ng puso ko dulot nang pagod pero pinagpatuloy ko ang pag-akyat.

Tumagal pa nang ilang minuto ay hindi ko pa rin natunton ang pinaka taas, Napagod ako at napaupo sa isa sa mga tapakan ng hagdan. Inabot ko ang bote ng tubig sa aking bag at agad na inubos ang laman nito.

Nang ibalik ko ang wala nang laman na bote ng tubig sa aking bag ay may tunog na nakaagaw sa aking atensyon, Tila ba tunog ito nang gumagapang na nilalang at nababali ang mga buto nito.

Kinuha ko ang aking flashlight at itinutok sa itaas, Wala namang tao. Kaya itinutok ko ito sa pababang hagdan. At doon ako napatigil, May nakaputing mahaba ang buhok na nakalugay sa kaniyang harapan na dahilan para hindi maaninag ang kaniyang itsura.

Gumagapang siya papunta sa akin gamit ang dalawang kamay at dalawang paa, bumabaluktot bawat litid maging ang kaniya ulo. Tatakbo na sana ako ngunit bumilis rin ang kaniyang gapang hanggang sa kaharap ko na siya.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now