#29 | Byahe

45 3 0
                                    

"Kuya? Sa may Santa Mesa po." Ani ng babaeng pasahero, Pinagmasdan lamang siya ng taxi driver mula sa rear view mirror at muling ibinaling ang tingin sa kalsada. Madilim at gabi na, Wala ng masyadong sasakyan.


"Kuya? Kuya saan mo ako dadalhin!" Reklamo ng babaeng pasahero, Hindi pa rin siya nito pinapansin ng taxi driver at nagpatuloy lamang siya sa pagmamaneho. Namamawis na ang kaniyang palad at hinigpitan ang kapit sa manibela.

"Ibaba mo ako kuya!" Muling sumigaw ang dalagang pasahero, Ipinarada sa may kaharap na simbahan ng taxi driver ang kotse at nag-krus sa sarili.

"Apat na taon na po ang nakalilipas ma'am, Patawarin niyo po ako sa aking nagawa." Ani ng taxi driver at humagulgol sa kaniyang upuan, Nagtaka ang duguang dalaga na may punit-punit na damit.

Lumapit at bumulong siya sa taong nang-gahasa sa kaniya noon at sinabi ang mga katagang "Kahit magsisi ka sa iyong ginawa, Hindi matatahimik ang isang kaluluwang kinitilan mo ng buhay." Matapos niyang takutin ang taxi driver na naging dahilan sa kaniyang kamatayan taon na ang nakararaan, Idinala siya nito sa maling lugar at doon ginahasa at pinatay.

Dahil hindi matahimik ay hindi na muli pang umalis ang kaluluwa ng dalaga sa tabi ng taxi driver. Tinakot niya ito upang higanti sa pagbawi sa kaniyang buhay, At hindi man lang napansin nito na kung saan siya pumarada ay doon niya ginawa ang karumal-dumal na krimen.

Namatay siya sa lugar na kung saan siya ay pumatay.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now