#05 | Kape

192 8 5
                                    

Binuksan ko ang pintuan ng café na matagal ko nang pinupuntahan dati pa, Sumalubong sa akin ang amoy ng sariwa at matapang na kape, ang mga tinapay na ginagawa mismo sa shop na ito. Marami-rami na ang nasa loob, May mga bata na kasama ang nanay nila, Mga may edad nang mag-asawa na nagkakape nang magkasama, Mga mag-nobyo at nobya na nagd-date.

Ngiti-ngiti akong lumapit sa counter upang mag-order, "Uyy Clara! Tagal mong hindi bumibisita ah?!" Saad ni Jonas na matagal nang nagtatrabaho sa café shop na ito. Pagmamay-ari ito ni Mrs. Luzerne na dating guro sa elementary na malapit rito.

Namaalam siya sa mundong ito nakaraang taon lamang na talagang nakakalungkot, Pero ang pumalit at namahala sa café ay ang nagiisa niyang anak si Lucy.

"Regular order ba ma'am Clara?" Tanong ni Jonas at pasimpleng tumingin-tingin sa aking likod, Hinahanap niya siguro si Nico. "Jonas hahaha, Hindi ko kasama si Nico matagal na kaming hindi naguusap." Saad ko at pati ako ay napatingin na rin sa aking likuran. Kahit mag-wish man ako na sana ay kasama ko siyang mag-order ng kape na nakasanayan namin e, Wala e? No matter how we want that person to be with us if they wanna go, They will go.

"Nagbabakasakali lang naman ma'am, Hindi na ba talaga.. Alam niyo? Nagkabalikan kayong dalawa? Umaasa pa naman ako dahil kayo talaga ang matagal nang loyal customer dito sa shop e nadatnan niyo mga nga si Mrs. Luzerne." Saad nito at ni-complete and aking order, Umiling na lang ako dahil wala na talaga kaming pagasa. Pagkatapos n'on ay ipinasa niya iyon sa kaniyang katrabaho na si Lucas. And nagpa-pack nang take-out orders.

"Uyy ma'am Clara! Long time no see!" Saad nito at ngumiti, Ngumiti ako nang todo. "Uyy kamusta Lucas? Pasensya na ngayon lang nakadalaw sa inyo busy sa office e." Saad ko.

"Ano ka ba ma'am alam naman namin babalik kayo lagi dito, Oh siya ma'am, Hazelnut croissant diba ma'am?" Tanong nito, Tumango ako at ngumiti. Inabot ko ang bayad kay Jonas.

Nagk-kwentuhan pa kaming tatlo nang tumunog ang bell ng entrance, Pagkalingon ko doon ay nandoon si Nico. May kasamang babaeng bata.

Ang chubby nung bata ang cute, May pigtails and tali na cherry. Hawak-hawak niya ang kamay ni Nico at naka-alalay naman si Nico sa kaniya. Nakakapagtaka, May anak siya agad? O pamangkin niya lang? Hindi ako nakapagsalita pero binati ni Jonas si Nico.

"Uyy ser Nico! Sakto nandito si ma'am Clara!" Saad nito, Agad na tumingin sa akin si Nico dahil nakaalalay talaga siya doon sa bata.

"A-Ahh.. Hi? Hehe." Saad ko at dahang-dahang kumaway. Ngumiti ito at sinama ang babaeng bata na cute. "Ang cute mo naman.." Saad ko at tumingin sa bata, "Is she your child Nico?" Tanong ko at tumingin sa kaniya.

Tumango ito at bumaling ulit ang kaniyang tingin sa babaeng bata na kasama niya, "Etong cute na cute na baby na 'to is my princess, Actually Jonas my regular please, Padagdag na lang ng strawberry cake pop for my baby." Saad niya, Tumango naman si Jonas at kinausap si Lucas.

"Same order Lucas... Pareho lang naman order nila ni ma'am Clara-"

"Ano ba huwag kang maingay! Ipreno mo bibig mo Jonas!" Nagbulungan sila. Tumawa na lang ako at tumingin muli kay Nico at sa baby na kasama niya. "Kamusta? Also, How old is this cutie patutie na?" Tanong ko.

"She's three years old na, And.. I'm feeling good actually, You? Didn't expect to see you here." Saad nito at binuhat ang baby, Tahimik lang yung baby namumula pa yung pisngi, May coat siyang suot na kulay brown and nakadikit lagi sa daddy niya.

"I'm feeling good too, Didn't expect you here too. Nasaan yung mommy niya if you don't mind me asking?" Tanong ko, Mas maganda nang magtanong hindi ba? Para isahang sakit na lang.

"Ohh, Her mom sadly died at childbirth." Saad nito, Napatakip ako sa aking bibig at napayuko nang paulit-ulit. "I'm sorry! I didn't know gosh I'm sorry!" Saad ko, Oh gosh I felt so bad. Masyado akong madaldal kasi.

"Oh no hahaha, its fine calm down really." Ngumiti ito, Oh how I miss that smile, I'm truly happy to see you in my monday morning doing fine and better, I know you're doing great as a father.

Lumapit ako sa baby at kinausap ito at nakipaglaro, "Hi~ I'm Tita Clara, What's your name baby?" Tanong ko at ngumiti.

"Clara."

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now