#33 | Sirena

44 3 0
                                    

Madaling araw, Kailangan kong pumalaot para mangisda. Bagsak ang presyo kapag ibebenta sa mga tindera sa palengke nang mga nahuhuli kong isda. Pero sapat na iyon para makakain atlis dalawang beses sa isang araw.


Kasalukuyan akong naghihintay bago ko kunin ang mga inihain kong lambat nang agawin ng aking atensyon ang boses ng isang babae, Maganda ang kaniyang tono at maihahatid ka nito sa mahimbing na tulog, "Ohhh~ Sa karagatan~ Kay lalim nito~ Samahan mo ako, Aking ginoo~" Inilibot ko ang aking paningin at wala akong maaninag kung hindi ang konting liwanag na nagmumula sa papasikat ng araw.

Tumingin ako sa aking likuran, sa harap ng aking bangka at maging sa direksyon kung nasaan ang dalampasigan. Wala naman, Kaya napakamot ako sa aking ulo. Biro-biro akong tumingin sa ilalim ng tubig at sa gulat ay nawalan ako ng balanse sa bangka at nahulog ako sa tubig. Sa pagkabigla ay hindi agad ako nakagalaw, Naaninag ko naman ang babaeng lumalangoy papunta sa akin, Mabilis ang daloy nang kaniyang paglangoy at namulat lalo ang aking mga mata. Sinubukan kong umiwas sa pamamagitan nang paglangoy paitaas ngunit hindi ko na kinaya at kapos na sa hininga.

Narandaman ko ang yakap ng isang nilalang na hindi ko alam kung sino, Narandaman ko ang halik sa aking labi at pagkatapos noon at inahon ako sa tubig. Nanghihina ang buo kong katawan at hindi ako makakapit man lang sa aking bangka, Nang buksan ko ang aking mga mata ay isang magandang dalaga at nakaharap sa akin. Tatanungin ko sana kung ano ang kaniyang pangalan ngunit nakatulog ako.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw, Agad akong napaupo at nagtatakang lumingon-lingon sa aking paligid. Wala na ang babaeng nakita ko sa aking panaginip, Panaginip nga ba?

Pumunta ako sa likuran ng aking bangka upang pumalaot na pabalik sa aking bayan ngunit may nakaagaw sa aking atensyon, Malaking perlas sa loob ng kabibe?

Galing ba ito sa sirena na aking nakita?

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ