#47 | Kwintas

49 2 0
                                    

"Uyy pare.. Alam mo ba yung balita kila Janet kahapon? Diba nawawala daw yung pamangkin niya?" Biglang binuksan ng kaibigan kong si Wilson ang pintuan ng kwarto ko. Sanay na pero
nagugulat pa rin ako.

"Ahh.. Oo– oo, Anong bagong balita?" Ani ko at tinigilan ang pagbabasa ng libro sa aking lamesa. Isinara ko iyon at ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya.

"Nakita na yung bata e, Pero naaagnas na. Pinagpapalo yung ulo, Dumugo daw yung utak hanggang sa— Alam mo na.." Dagdag nito at humiga sa couch ng kwarto ko.

Tumatango ako, Tila ba naging interesado sa mga susunod na binanggit niya. "May person of interest na ba?" Tanong ko at napahawak sa aking baba, Sino ang makakaisip na gawin ang isang karumal-dumal na krimen? Partida apat na taong gulang pa lamang 'yon.

"Wala pa e." Buti na lang ligtas na ako.
"Pero may nakuhang evidence pare." Huh?!

"Anong evidence naman pare?" Natatawa kong saad, Dahil sa sobrang ingat ko sa aking ginawa, Talagang wala kang makikitang ebidensya.

"May nakitang kwintas na hawak nung bata, Siguro lumaban siya kaya yung kwintas nung pumapatay sa kaniya yung nakuha niya." Ani nito, Agad kong kinapkap ang leeg ko— Wala nga, Wala yung kwintas ko.

Itinapat niya sa akin ang cellphone niya para ipakita ang ebidensyang nakita ng mga pulis pero nahuli niya akong kinakapkap ang aking leeg.

Lagot na..

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now