#23 | Anak

58 3 0
                                    

Araw-araw na sermon kahit matataas ang grado na nakukuha sa pagaaral, Hindi sapat para sa mga magulang ko. Ni hindi na nga ako kumakain para may matirang pagkain para kay bunso na mas marami.


Ang nakakapagtaka ay, Paano kaya ang buhay nila kung sakaling hindi ako buhay? Kung mas suklam ang mga taong kilala ko sa akin ay mas lalong suklam ako sa aking sarili.

Mapanghusgang lipunan ay kailangan pang sabihin sa akin kung ano ang aking itsura, Hindi ko kailangang marinig ang inyong mga opinyon dahil araw-araw akong nagigising lagi na ganito ang itsura ko.

Gintong medalya ngunit hindi sapat para ipagmalaki, Dapat ko bang ibalik ang buhay na ayaw ko naman tanggapin noong una pa lang? Hindi ko pinili ang mabuhay dahil hindi ko pinili ang magkaroon ng magulang, Ang magulang ang pumili upang magkaroon ng anak.

Ngunit nandito pa rin ako at namumuhay sa mundong ginagalawan, Kailan kaya ako mabibigyan nang halaga?

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now