#16 | Bride's Maid

85 5 0
                                    

Kasalan, Ang gusto nang karamihang makamit. Dati isa yan sa mga pangarap ko sa buhay. Ang magpakasal sa taong mahal ko at bumuo ng isang pamilya kasama at katulong ang lalaking mahal ko na aking papakasalan.


Ngunit paano, Paano kung ang taong nais mong pakasalan at makasama sa habang buhay ay nakatakda pala sa ibang tao? Kumbaga nagtagpo ang inyong mga landas ngunit ang nakasulat sa istorya ninyong dalawa ay matatapos lamang rin.

Parang si Peter Pan, Pinili niya si Wendy kahit nandiyan si Tinkerbell. Para maayos at maging payapa ang lahat, Laging kailangan mayroong bibitaw at patuloy na maglakbay sa kawalan.

Pinagmasdan ko ang kaniyang itsura, Nakasuot siya nang pinaka magandang suit na sobrang bagay sa kaniya, May kirot pa rin na nagpaparamdam sa aking puso ngunit hindi na kailangan umiyak ng aking puso dahil para sa kaniya rin naman ito, Sa ganito siya sasaya.

Kung sakaling hindi niya nagawa ang mga pangarap na binuo at pinagkasunduan namin, Puwede niya namang gawin ito kasama ang nakatakda para sa kaniya.

Pangarap nating magkaroon ng anak kapag 27 na tayo, Pero napaaga ka yata ng tatlong taon at tinupad mo ang isa sa mga pangarap natin kasama ang ibang babae.

At ang babaeng iyon ay ang nakatatanda kong kapatid, Pinagmasdan kong ihatid ng kanilang anak na lalaki ang sing-sing sa kanila.

Ayon na at tumulo ang luha sa aking pisngi na aking agad na pinunasan. Yes, The one I love is gonna marry someone I love too.
The saddest part here is we can't rewrite our future once its written, We have to go and move on to the next chapter.

Pinagmasdan ko sila nang huling beses bago lumisan ng simbahan, Hindi ko na rin tinapos ang kasal. Isinaboy ko ang bouquet na hawak ko sa kalangitan at ngumiti at nilasap ang simoy ng hangin, "If I'm not chosen, I'll choose myself this time."

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon