#03 | Medalya

282 10 1
                                    

"Kamusta dyan ma? Malapit na yung graduation ko mags-senior na niyan ako, Kailan ka makakauwi ma?" Tanong ko habang kausap ang aking ina sa video call.

Tila ba hindi siya nagbibigay pansin sa akin pero, Makausap ko man lang siya at malamang ayos siya sa ibang bansa ay ayos na iyon sa akin.

"Okay lang, Ano yung mga grade mo? Ano pinaka-mababa?" Tanong nito kaagad, Napalunok na lamang ako at pinagmasdan ang card ko sa gilid ng aking laptop.

Ang pinaka mababa ko ay 87 ng Science.

"87 ma sa science, Pero yung highest ko 98-"

"May line of 8 ka Cassy? Hindi ka ba nahihiya? Narito ako sa hong kong nagpapakahirap para lang mayroon kang bagsak?" Tanong nito sa may mataas na boses.

"E pero ma hindi naman bagsak 'yon, Pasado po 'yon. Sadyang nahirapan lang po ako this quarter dahil busy po dito sa bahay nagkasakit po si bunso-"

"Wala akong pakialam, Kahit kailan bobita ka." Saad nito at pinatay ang tawag.

Natulala ako sa kawalan, Bagsak ba ang gradong 87? Pinagmasdan ko at ipinalibot ang aking paningin sa aking kuwarto, Nakita ko ang mga nakasabit kong medalya, Mga album nang mga iniidolo ko na pinaghirapan kong bilhin, Mga mahaling gadgets. I have everything I could ever ask for but I cannot have my mom's appreciation about what I do.

Malipas ang ilang mga linggo, Graduation na namin. Wala pa akong balita kay mama simula noong binabaan niya ako ng tawag. Baka is-surprise niya ako? Hehehe baka hindi lang tumawag na uuwi siya today or baka nandito na siya on the way pa lang?

"Cassy 'nak, Sumama ka na sa mga kaklase mo mags-start na ang ceremony." Saad ni Mrs. Lumir. "Sorry mo ma'am hinihintay ko po sila mama ko e, Konti pa pong minutes puwede po ba maghintay?" Tanong ko at lumapit sa kaniya nang kaunti.

Nabahid ang awa sa kaniyang itsura at pinayagan akong maghintay, Nauna na si Mrs. Lumir sa court kung saan magaganap ang graduation.

"Konti pa.. darating rin sila mama saka bunso. Baka pati sila ate!" Pagpapalakas ko ng loob sa aking sarili.

Ilang minuto na ako doon.. Nasaan na sila? Nagsimula ang tugtog na pang-graduation kaya tumakbo na ako papunta sa court. Habang tinatahak ko ang daan papunta doon ay tumawag si ate Veron.

"Cass, Maraming ginagawa dito sa office e. Hindi ako makasingit or makatakas bantay sarado ako ng boss namin. Bawi ako kauwi ha? I love you."

"Ahh okay lang-" May sasabihin pa sana ako kaso binababa niya na ang tawag. Walang sasama sa aking umakyat sa stage? Grabe naman 'yon hehe...

Nakabalik na ako at kasama ang mga kaklase ko, Isa-isa na kaming tinatawag pero palinga-linga pa rin ako sa likod nagbabakasakaling kahit si ate Veron na lang ang pumunta.

Para may kasama ako..

"Cassy Ramos, With Honors of Best Technical Team on English Journalism." Saad ng emcee, Tumayo ako at lumapit sa stage at nginig nginig na umakyat doon. Ano naman ang dapat kong ikanginig?

"Nako, Wala ba si mama mo Cassy?" Sinalubong ako ni Mrs. Lumir. "Ayy wala po maam busy po sila." Ngumipit ako nang pilit. Gusto ko na lang umuwi agad. "Osige ako magsa-sabit sayo ng medal mo!" Saad nito at ngumiti. Hinawakan niya ako sa balikat at sinamahang lapitan ang principal at guest.

"Congratulations Cassy." Bati ng principal, "Congratulations!" Ani pa ng guest. Nakipag-shakehands ako at tinanggap ang certificate na naka-rolyo at may tali ng red ribbon.

Kinuha ni Mrs.Lumir ang medal ko at isinabit 'iyon sa akin, Magsimula nung nawala si dad wala nang nagsasabit ng medal sa akin. Kasi lahat na lang busy. Pilitin ko mang ngumiti ngunit napaka-hirap. Madaliang picture at agad na bababa na ng entablado.
Dahil sa pagod hindi ko na natapos ang ceremony, Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at agad na umuwi. Nasa hallway na ako papunta sa kwarto ko pero tinawagan ko muna si mama. Ilang segundo itong nag-ring bago may sumagot.

"Hello ma tapos na yung graduation-"
"Tangina mo ka nagta-trabaho ako istorbo mapapagalitan pa ako ng amo ko dahil sa iyo!" Sigaw nito na ikinabigla ko, Nagulat ako at hindi alam ang susunod na sasabihin. "Oh ano tumawag para hindi iimik?! Bobitang bata!" Sigaw nitong muli, Napaluhod ako sa sahig. Nakakapagtaka bakit ganito ka-grabe ang galit sa akin ni mama.

Dahil ba sa 87 kong grade? Dahil ba lagi akong nakakaistorbo?
Pumasok ako ng kwarto at humiga at nagisip.

----
"Yuna, Si ate Cassy mo nasaan?" Tanong ko at isinara ang pintuan, Inilapag ko ang strawberry cake na paborito niya. "Uyy cake! Nasa taas siya agad umuwi e." Saad nito at lumapit sa binili kong strawberry cake. "Hoy sa ating tatlo yan maawa ka sa ate mo kaka-graduate niya lang."

"Ang damot mo ate Veron, Tikim lang e." Nagsimangot ito, Tumawa na lang ako. "Mamaya, Magluluto pa ako ng spaghetti. Tara samahan mo ako puntahan natin siya." Aya ko at umakyat sa ikalawang palapag. "Cass? Cassy! Giseng! Magluluto ako, Anong gusto mong ipaluto?" Sigaw ko at tumapat sa kaniyang pintuan. Walang sumagot? "Caseh! Hoy Caseh!" Sigaw ko at kumatok, Tinignan ko kung nakabukas ang pintuan at bukas nga, Binuksan ko ito. "Ano ba bakit hindi ka sumasagot.."
"Cassy? Cassy!!!" Tawag ko rito at binuhat ang kaniyang paa, Nakabigti na ito at nakadilat. "Buhatin mo yung ate mo puputulin ko yung tali!" Sigaw ko sa aking nakababatang kapatid, Cassy ano ba 'to!

"A-Ate-"
"Dalian mo!"

Binuhat niya ito at agad akong sumampa sa kama upang tanggalin ang pagkakatali nito sa leeg, "Cassy! Naririnig mo ko? Cassy ano ba!" Sigaw ko at hiniga ito. Tinignan ko ang pulsuhan nito at ilong, Wala na.. Wala na siya. Ginawa ko ang cpr kaagad, "Cassy! Gumising ka dyan!" Sigaw ko at hinawakan ito sa pisngi.

"Cassy gising andito si ate oh.. bumili siya nung cake na gusto mo.. Gising baby magc-celebrate pa tayo e." Dahan-dahan nang tumulo ang mga luha ko, Nakadilat ang mga mata nito at putla na. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking mga palad at napaupo sa kama.

"Ate, Si ate Cass? Bakit hindi ka niya pinapansin?" Tanong ni bunso, Niyakap ko siya at humagulgol. Hindi ako makapaniwala sa nangyari ngayon, Bakit? Bakit niya ginawa 'to ang bata niya pa? May hindi ba siya sinasabi?

May nakita akong papel sa lamesa at binasa ko iyon, "Walang magsasabit ng medalya para sa akin kaya isabit ko na lamang ang aking sarili para umuwi si mama." Mas lalo akong nahirapan huminga sa binasa ko, Cassy...

Kinuha ko ang aking telepono upang tawagin ang emergency number, Papunta na raw at ang sunod kong tinawagan ay si mama.

"Oh ano Veron? Kamusta kayo diyan ni bunso."

"M-Ma.. Si Cassy.." Saad ko at pinipigilang hindi humagulgol, Pinagmasdan ko si Cassy ngayon na niyakap ni bunso.
"Oh napano yang bruha na iyan kanina lamang ay inistorbo ako sa trabaho."

"Wala na siya ma, B-Binitin niya sarili niya."

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora