#22 | Pera

51 3 0
                                    

WARNING!

INAPPROPRIATE FICTITIOUS SCENES AHEAD!

Pinunasan ko ang aking pawis matapos ang paglilinis ng banyo, Alas dose na pero hindi pa ako natutulog. Paglilinis, pagluluto, pamamalengke at maging pagaalaga sa may sakit na matanda at bata ay pinapagawa sa akin ng arabian kong amo kahit ang job title na pinasukan ko ay ang magalaga lang nang matanda.

Kung hindi ko susundin ang amo ko ay bubugbugin niya ako o hindi papakainin, Binuhusan ko ang sahig ng cr dahil iyon ang makakapag-wala ng sabon at lumabas na ako ng cr at nagunat-unat. Ang sakit ng balakang ko at talagang nangalay ako.

Papunta na ako sa kusina para hugasan ang mga nakatambak na pinggan nang mag-ring ang aking cellphone, Kinuha ko iyon at sinagot. "Oh ma—"

"Ayy Josephine, Magpadala ka pa nga ng dalawang pung libo para sa sapatos ni Maylene. Naubos na ang pera na pinadala mo pang-grocery e hehe. Sige na, Nanay mo naman ako." Hindi ko man lang natapos ang aking sasabihin nang sabihin iyon ni ina, Lalo akong nanghina dahil ang ipon kong limang pung libo na pinadala nung nakaraang araw ay ubos na?

"Ma haha.. Iyong pinadala ko nung isang araw? Ala e bakit naubos?" Tanong ko at hinintay siyang sumagot, Pinilit kong ngumiti at napasandal na lamang ako sa pader.

"Ay basta ipadala mo dire ha? Sige bye." Saad nito at pinatay ang linya, Saglit akong naistatwa dahil hindi man lang ako kinamusta ng sarili kong ina. Pinalakas ko ang aking sarili at kinuha ang aking wallet sa counter, Tinignan ko iyon at may pitong libo akong tinira.

Ipapadala ko iyon mamayang umaga para agad na magamit ni bunso, Wala na akong ipon niyan pero para sa pamilya naman 'to kaya ayos lang.

Binuksan ko ang pintuan ng bahay dahil kakauwi ko lang galing sa pabilihan, Pinadala ko na rin ang natitira kong pera sa pamilya ko sa pilipinas. Magsusuot pa lang sana ako ng tsinelas na pang-bahay nang may yumakap sa akin sa likod at tinakpan ang aking bibig. Hindi ako makasigaw ngunit lumaban ako, Dinala ako nang kung sino man ang nasa likod ko sa guest room. Sinira nang dumukot sa akin ang pintuan at tinulak ako sa kama.

Panglingon ko ay ito ang lalaki kong amo, Sinimulan niyang hubarin ang kaniyang mga damit at tumakbo ako papunta sa likod niya upang tumakas ngunit tinulak niya akong muli. "S-Sir no please— I don't want sir please—" Pagmamakaawa ko at lumuhod sa kaniyang harapan, Hindi siya nakinig sa akin at hinila ako gamit ang braso ko. Namilipit ako sa sakit at napasigaw, Tinapon niya ako sa kama at doon niya ako dinuct-tape sa bibig.

Ilang beses pa akong lumaban hanggang sa maihubad niya na ang pang-ibaba kong kasuotan, Hinawakan niya ang maseselan na parte ng katawan ko na ayaw na ayaw ko. Ang gusto kong gawin ngayon ay ang umuwi ng pilipinas.

Tumagal ang pang-gagahasa niya sa akin ng ilang minuto hanggang sa iwan niya ako sa kama. Yinakap ko ang aking sarili at umiyak nang tahimik, Tinanghal niya ang duct tape sa aking bibig at nagdamit na siya.

Nagulat ako nang muli siyang lumapit sa akin at sakmalin ang pisngi ko, "You talk to authorities I kill you!" Banta nito at sinapak-sapak ako sa sikmura, Napa-ngiwi ako at napa-baluktot sa sakit.

Hanggang sa lumisan siya ng kuwarto ay nakatulala lang ako sa kawalan, Anong ginagawa ko sa UAE kung dapat ay nasa pilipinas ako at nagaaral.

Ganito ang sinapit ko para lang makapag-trabaho para sa pamilya ko sa pilipinas. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa kusina. Kinuha ko ang pinaka matalim na kutsilyo at dahan-dahang lumapit sa lalaki kong amo na ngayon ay tumatawa habang nanonood ng tv. Hinawakan ko ang kaniyang buhok at linaslas ang kaniyang leeg.

Ang sunod kong linas-las ay ang aking sarili, Bumagsak ako sa sahig nang hindi ko alam bakit at nahirapan na akong huminga. Sumirit ang dugo sa aking leeg hanggang sa makatulog ako at hindi na muli pang gigising.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now