#56 | Mother

7 1 0
                                    

"Huy.. anong oras ang out mo, Bianca?" Tanong sakin ni Jessica na ngayon ay nagpi-pindot pa rin sa kaniyang computer. Ina-ayos ko na ang mga gamit ko at isa-isang pinapasok sa handbag carry na dala ko.

"Actually, out ko na ngayon, ikaw ba? Mukhang marami ka pang gagawin." Bahagyang pagaasar ko rito, si Jessica lang ang naging kaibigan ko magsimula nang magtrabaho ako sa opisina sa Makati. Bahagyang malayo ang lugar kung saan kami nakatira ni mama pero sa kumpanya na 'to kasi ako natanggap kahit walang experience.

"Ano ba 'yan! Nakakainggit naman! O sya, ingat ka ah?" Ngumiti ito sakin, ngumiti rin ako bago tinahak ang hallway palabas. Nag-sign ako ng waiver para malaman nila na nag-out na ako sa oras na 'yon, makakapagpahinga rin ako dahil day off ko naman bukas.

Pero parang biglang sumama ang pakiramdam ko, parang bigla akong lalagnatin. Hindi ko na rin napansin na nakarating na ako sa bahay, isang sakayan lang naman ng jeep pero trenta minutos ang itatagal ng biyahe.

Nang pumasok sa bahay ay hindi naman nakasindi ang ilaw, namalengke siguro si mama. Agad kong hinubad ang damit kong uniporme bago nahiga sa malambot kong kama. "Anak! Nand'yan ka na ba?! Nagluto ako ng paborito mo, kain ka muna!" Sigaw nito sa ibaba, nakauwi na pala siya.

"Teka lang ho bababa na!" Sigaw na sagot ko.
"Anak, 'wag kang bababa, narinig ko rin 'yon.." Rinig kong bulong sa ilalim ng kama ko, natigilan ako bago sumilip sa ilalim ng kama ko, si mama ang nasa ilalim ng kama. "'Nak! Baba na!" Muling sigaw mula sa unang palapag ng bahay.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now