#34 | Lock

49 3 0
                                    

Normal na gabi, Inutusan ako ni tita na bantayan yung pinsan ko kasi may duty siya ngayong magdamag sa hospital. Kasalukuyan kaming nanonood ng penikula pero hindi ako matahimik at mapakali, para bang may nakatingin sa akin at hindi ako komportable. Iniisip na baka nap-praning lang ako pero ano naman ang dahilan para maging praning ako?


"Anong gusto mong panoorin?" Tanong ko sa kaniya, Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. Malapit sa akin si Justine dahil madalas ko siyang i-babysit. "Thor kuya!" Saad nito at binigay sa akin ang remote, Kinuha ko ito at ngumiti. Hinanap ko naman sa netflix ang penikula na nais niya at tumayo upang kumuha ng popcorn, Pero pagkatayo ko ay nakita ko na may lalaking may magulong balbas sa mukha ang nakasilip sa bintana, Wala ng araw pero sapat na ang araw sa tapat ng pintuan sa labas upang maaninag ko siya.

At iyon pala ang nararandaman ko, Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali. Bilang isang boy scout, Ang alam ko na dapat gawin ay stay low. Kumalma at huwag magpanic dahil baka may ibang mangyari na mas lalong hindi mo aasahan. Kumuha ako ng popcorn sa kusina at pasimple ko siyang tignan at nandoon pa rin siya, Aamin ko. Nakakatakot ang kaniyang wangis ngunit hindi naman siya mukhang ligaw na multo, Buhay na tao siya na naninilip sa buhay ng iba.

Tumayo ako sa tabi ng couch at kinalabit si Justine, "Justine, Oras na para matulog. Magagalit si mama mo kapag umuwi siya hindi ka pa natutulog." Saad ko at ngumiti, Sumimangot naman ito pero kalaunay pumayag na umakyat sa taas dahil nandoon ang mga kuwarto.

Nauna siyang umakyat pero nagpa-huli ako para i-lock ang mga dapat i-lock, Pasimple kong pinagmasdan ang bintana kung saan ko siya huling nakita pero wala na siya. Sinarado ko ang pintuan sa harap at maging sa likod, Maging ang lahat ng bintana ay sinara ko. Dahan-dahan akong lumapit sa tool box ko para hindi gumawa nang kung anong ingay.

Kinuha ko ang pinaka malaking martilyo na nakita ko at umakyat na, Sinalubong naman ako ni Justine at sinabi kong manahimik siya at humiga sa kama. Ni-lock ko ang pintuan ng kuwarto at pumwesto sa sulok na hindi niya ako agad makikita kung sakaling pilitin niyang pumasok.

Habang naghihintay sa mga susunod na mangyari ay tumawag ako ng pulis, Maging si tita ay tinawag ko. Wala na akong masyadong sinabi at sinabi kong emergency at kailangan namin nang tulong sa pinaka mabilis na paraan.

Narinig kong nabasag ang bintana sa baba at iyon ay dahil siguro sa pagpilit na pagpasok noong misteryosong lalaki. Narinig ko ang kaniyang mga yapak papunta sa cr sa baba, Maging na rin sa pantry. Nagsenyas ako sa aking pinsan na huwag siyang magiingay, Umaasang hindi na siya aakyat ay umakyat siya pero dahan dahan. Hinigpitan ko ang hawak ko sa martilyong hawak ko at naghahanda sa kaniyang pagpasok. Pero nang marating niya ang kuwarto na katabi ng kuwarto ni Justine ay narinig ko ang sirena ng pulis. At sunod noon ay ang pagtakbo nila paakyat sa kung nasaan kami, At ang mga susunod na nangyari ay nakaposas na ang naturang lalaki.

Nang kumatok ang pulis na nagsasabing ligtas na ang bahay ay binuksan ko ang pintuan, Nandoon rin si tita Biling at agad naman na niyakap si Justine.

Ang huling gagawin ay ang ikuwento sa mga opisyal kung ano ang nangyari sa gabing iyon, At ang lalaki pala na pumasok sa bahay ay isang baliw na nakatakas mula sa isang mental hospital dalawang bayan ang layo mula sa bayan na kung nasaan kami.

Hindi mapipigilan ang magisip, Paano kung hindi ko napansin iyon? Paano kung hindi ko na-lock kaagad yung mga pintuan?

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now