#50 | Us

52 2 0
                                    

Nararamdaman ko na, Nararamdaman ko na malapit na siyang bumitaw. Pero susubukan kong ipaglaban kaming dalawa dahil ganon naman talaga 'yon diba? Sa relasyon hindi parating pasaya, May time na akala mo hindi mo na mahal yung partner mo but you just mistook yourself.

Kahit anong lamig ang maramdaman ko na pakikitungo niya, Lalaban ako. Lalaban ako dahil mahal ko siya. Pero sapat na bang dahilan ang bumitaw at sumuko dahil hindi pa man nagsisimula ang kwento ay matatapos na ito?

Pa-ulit-ulit kong binasa ang mensahe na dumating sa aking cellphone dahil hindi ako makapaniwala sa nilalaman nito.

𝗧𝗮𝗸𝗶 𝗙𝗲𝗿𝗼𝗰𝗶
𝖫𝖾𝗍'𝗌 𝖻𝗋𝖾𝖺𝗄 𝗎𝗉.
𝘀𝗲𝗻𝘁 8:37 𝗣𝗠

Sunod-sunod na tumulo sa screen ang mga luha ko, Sumasakit ang bawat tibok sa puso ko. Agad ko siyang tinawag, Baka kasi– Baka nagkakamali lang siya.

Ilang segundong nag-ring ang tawag ko, Na lalong nagpalakas ng kaba sa akin. Ilang beses kong inulit ang tawag hanggang sa sagutin niya ang tawag.

"Taki magusap tayo ple–"
"Istorbo ka na naman."

Natigilan ako nang sabihin niya iyon, Pero buti na lang at sinagot niya ang tawag at makakapagusap na kami.

"Usap tayo plea–"
"Hays.."

Natigilan ako nang marinig ang buntong hininga ng isang babae, Napabagsak ako ng upo sa bench at pinunasan ang mga luha ko. "S-Sige– Pasensya na pasensya na.." Saad ko at pinatay ang tawag, Napatitig ako sa kawalan. Ang lalaking pinakamamahal ko may kasamang iba, At sigurado ako kilala ko ang kasama niya dahil pamilyar ang boses.

Isinuot ko nang mabuti ang back pack ko at tinahak ang daan pauwi, Nakakapagtaka. Kaya siguro nagpaalam na mauna na sa paguwi ang kaibigan ko dahil makikipagkita siya sa nobyo ko.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now