#24 | Kisame

71 3 0
                                    

Pagod at tila ba lantang gulay akong pabagsak na humiga sa kama, Kanina pa dapat tapos ang trabaho ko pero dahil sadista ang manager ay inutusan niya pa akong maglinis ng kusina ng karinderya kahit ang trabaho ko lang ay ang maghugas ng plato.

Hindi nagtagal ay nakatulog rin ako, Pero may kakaiba akong nararamdaman na may nakatitig sa akin. Pagising-gising ako at parang may nangangati sa aking leeg. Hindi mapakali kaya tinanggal ko ang kumot sa katawan ko at kinati-kati ang buo kong katawan.

Nagtataka akong napatingin sa aking binti at may kalmot iyon na parang kalmot ng aso, Pero malaking aso! Pero pinagsasampal ko ang aking pisngi upang sabihing baka nagmamalik-mata lang ako. Ibinaling ko ang aking tingin sa orasan at alas tres na ng umaga, May dalawang oras pa ako para matulog. Muli akong komportableng humiga, Pero wala akong pwestong magustuhan na kung saan ay magiging komportable ako.

Tumagilid ako sa kanan, sa kaliwa, at dumapa na rin, iritado akong humiga sa aking likuran at nagbuntong hininga. Maya-maya lamang matapos akong maging komportable sa aking higa ay may tumulo sa aking noo, Pagmulat ko ay may babaeng naka-puti at nakahiga sa kisame. Hindi ka-aya-aya ang kaniyang wangis at duguan ang kaniyang buong mukha na parang binasag ang kaniyang itsura.

Gustuhin ko mang gumalaw ay tila ba paralisado ako, Maging sumigaw ay hindi ko magawa dahil nakatikom ang aking bibig, Ang kaya ko na lamang gamit ay ang magreklamo habang nakasara ang aking bibig.

Naka-lutang itong dahan-dahan bumaba hanggang sa magkalapit ang aming mga mukha, Ngumiti ito kahit mapunit ang kaniyang labi at tumulo ang kaniyang mga dugo sa aking mukha at tumawa nang malakas.

"Ngato, Ngato."

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now