#43 | Awitin

34 3 0
                                    

Nagising ako sa ingay nang kaluskos ng higaan kong papag, Naalimpungatan ako at umupo. Pero may kung sino ang nagtulak sa akin para humiga ulit, Dulot nang antok ay hindi ko alam ang mga nangyayari.

Maya-maya ay may nagsusuklay ng aking buhok na talagang nakakarelax, Muli kong ipinikit ang aking mga mata at hinayaang makatulog muli.

Ngunit bago ako mawalan ng diwa ay may narinig akong humuhuni na kaboses ng aking ina.

"Ili-ili~ Tulog anay~" Nagsimulang kumanta ang tila mala-anghel na boses. Patuloy na humahaplos sa aking buhok.

Unti-unti na naman akong sinasakop ng antok.

"Wala diri~ Imong nanay~"
"Kadto tienda~ Bakal papay~"
Ili-ili~ Tulog anay~"

Nasisiyahan ako sa mga nangyayari lalo na at ngayon pa lamang ito ginawa ni ina, Gabi na rin at ayos lang na matulog. Pero naalala kong isa akong ilonggo.

'Ili-ili.. Tulog anay?' Ani ko sa aking isipan, Ang ibig sabihin noon ay matulog ka muna munting paslit.

'Wala diri, Imong nanay..' Dagdag ko, Ang ibig sabihin noon ay wala dito ang iyong ina.

Naalala kong nagpaalam si ina na dadalaw sa kaniyang kaibigan sa marinduque at bukas pa uuwi. At hindi rin marunong mag-ilonggo si ina. Naistatwa ako sa aking hinihigaan.

'Kung wala pa si ina.. Sino ang umaawit para sa akin?'

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now