#04 | Rosas

227 7 2
                                    

Natapos ang misa at tinahak ko ang daan palabas, Walang masyadong nagsimba dahil umuulan. Kasabay kong lumabas ang mga nag-s-serve sa church. Tumingin ako sa aking relos at tinignan ang oras. 6:47 PM na, Ano kaya ang puwedeng bilhing ulam?

Papunta na sana ako nang may lumapit sa akin na gusgusing bata, "Bili ka rosas." Saad nito sa malamig na boses, Pinagmasdan ko ito at nakadress ito na puti at nakapaharap ang buo nitong buhok kaya hindi ko makita ang kaniyang itsura.

"Ahh.. hindi salamat." Saad ko ngunit hindi ito umalis sa aking harapan, Napabuntong-hininga na lamang ako at naglabas ng pera mula sa aking wallet. Iniabot niya ang dalawang rosas at nang ibibigay ko na sana ang bayad ay kumaripas ito nang takbo.

"Weird.. Hays.. Itong dalawang piraso na nga lang ng bulaklak patay pa. Saan kaya galing iyong batang 'yon?" Saad ko habang pinagmamasdan ang dalawang rosas.

Napunta na ako sa bilihan ng mga ulam at sari-sari ang naroon, Bumili ako ng dalawang magkaibang klase ng ulam at naglakad pauwi.

Kanina pa ako aligaga, Parang may sumusunod sa akin. Paulit-ulit akong tumitingin sa aking likuran ngunit wala namang sumusunod. "Jusko, Baka pagod lang 'to." Ani ko sa sarili, Narating ko ang aking tahanan matapos ang iilang minuto. Inilapag ko ang aking mga biniling ulam at pinagmasdan ang rosas. Hindi ko napansin na natusok na pala ako ng isa sa mga tinik nito.

"Aray.. Ang hapdi!" Saad ko, Itinapon ko na lamang ang dalawang patay na rosas sa basurahan at naligo kaagad. Nasa kalagitnaan ako nang pagligo nang maramdaman kong tila ba ay may nakatingin sa akin. Agad kong binuhusan ng tubig ang aking mukha at tumingin sa kisame. Wala naman, "Cody pagod lang 'yan, Napa-praning ka lang."

Natapos ang aking pagligo at nakaramdam ako nang pagod, Hindi ko na nagawang kumain at daretso tulog na. Habang humahakbang paakyat parang may nakita akong ulo na nakasilip sa ikalawang palapag.

Agad kong sinindi ang flashlight ng aking cellphone at itinutok ito roon, Wala naman; Yun lang ang hoodie ko na nakasabit kaya nagmukhang ulo na nakasilip. Lalo akong napagod dahil sa gulat na naramdaman ko kanina noong paakyat ako, Mapapamura ka na lang talaga. Nagbihis ako nang preskong damit at tumalon sa malambot na kama.

Hinayaan kong sakuping nang pagod at antok ang aking isipan nang may kung anong elemento ang umikot sa aking katawan, Hindi ko maigalaw ang aking katawan at may ibang kumokontrol joon.

Ang kaya ko lamang galawin ay ang aking paningin, Sa banda ng aking paa ay naroon ang babaeng bata na marungis na nagbenta sa akin ng rosas. May kasama siyang babaeng malaki ang bibig at hindi nakakatuwa ang itsura! Nakatingin ito sa akin at nakaturo ang kaniyang kamay at daliri sa akin na sa tingin ko ay ang kumokontrol sa aking katawan. May dalang manika ang babaeng kamukha ng babaeng bata na marungis. "A-Anong.. g-gusto m-mo!" Hirap man magsalita ay pinilit kong magpakatapang sa harap ng kung ano mang elemento o masamang kaluluwa ang nagpapahirap sa akin.

Maya-maya lamang at itinuro ako ng bata at sinabing ako ang kaniyang tatay, Tumingin sa kaniya ang babaeng sa tingin ko ay kaniyang ina at iniwan niya ang bata. Lumapit ito sa akin at hinarap ako nang malapitan.

"Maligayang pagbabalik mahal ko." At binali niya ang aking leeg.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now