#19 | Pintuan

66 6 0
                                    

Naikasal ako sa mayamang lalaki, Kaya niyang ibigay sa akin lahat nang hihilingin at gugustuhin ako. Lagi siyang busy dahil mayroon siyang negosyo. Negosyo nang mga mamahaling kotse. Binigay niya sa akin lahat ng susi ng bawat kuwarto ng bahay na binili niya para sa akin.

May kuwarto na puno ng ginto, Ang iba namang kuwarto ay puno ng perlas, May isa pang kuwarto na puno nang mamahaling damit, Ang pinaka paborito kong kuwarto ay ang kuwarto na puno ng sapatos na lahat ay ako lang ang puwedeng sumuot.

Araw-araw akong nagsasaya sa bawat kuwarto na mapipili kong pag-tambayan, Lahat ng susi nang mga mamahaling kasuotan maging alahas ay pilak ang kulay. Pero may nagiisang kakaiba ang kulay na susi, Ang gintong susi na mas malaki kumpara sa ibang alahas.

Ang pintuan na susi ng ginintuang pilak ay nasa basement, Binalaan ako ng aking asawa na puntahan ko na lahat ng kuwarto ngunit 'wag ang pintuang may gintong susi.

Nakakapagtaka dahil kung ayaw niya akong pumasok sa kuwartong iyon bakit niya ibinigay sa akin ang susi nito?

Ilang araw kong laging pinagmamasdan ang pintuan mula sa hagdanan at tila ba may nagsasabing kailangan kong buksan ito, Baka tone-toneladang pera ang laman ng kuwartong iyon kaya ayaw niyang buksan ko ito?

Pagdating ng biyernes ay hindi na ako nakapagpigil at agad na pumunta sa basement, Dala-dala ko ang gintong susi at bubuksan na sana ang pintuan; Hawak ko na ang door knob at pipihitin ko na lang. Ilang segundo kong pinagisipan kung papasok ba ako o hindi, Mahal naman ako ng aking asawa kaya binuksan ko na ito.

Pagkabukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang mga cylinder clear containers na may hindi kapani-paniwalang laman. Likidong malagkit at sa loob noon ay isang babaeng naka-dilat ang mata ngunit hindi na gumagalaw.

Napatakip ako sa aking bibig at agad na lumapit sa kaniya, Gusto ko siyang tulungan at kumatok-katok sa salamin nito ngunit hindi naman siya sumasagot. Kumay berde at pula ang kulay ng kuwarto na mas nagpa-lamig ng atmospera at hindi ito makatao.

Kaya ayaw akong papuntahin ng aking asawa sa kuwarto ito dahil ginagawa niya ito sa mga dati niyang asawa, Pagkatingin ko sa kaliwa at kanan ay may iba pang babae na wala ng buhay at nasa loob ng Iba't-ibang mga salamin. Nakadilat ang karamihan at hindi na humihinga.

Tatakbo na sana ako para tumakas dahil baka ako na ang susunod na biktima ngunit nasa likod ko na ang asawa ko, Sinaksak niya ako nang paulit-ulit dahilan para bumagsak ako sa sahig. Lumabas na ang dugo sa aking ilong maging bibig at bawat segundo ay nahihirapan akong huminga.

"Ikaw ang pinaka paborito ko sa lahat, Kung sanang hindi ka lumabag sa ating usapan ay buhay ka pa." Ang mga huling katagang narinig ko bago niya ako pugutan ng ulo.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now