#40 | Dog

39 3 0
                                    

Ang pinaka masayang linggo sa lahat! Hindi umalis ang amo ko buong linggo at nakipaglaro sa akin sa mahahabang oras. Walang makakasukat nang kaligayahan na nararamdaman ko ngayon. Hinihingal man ay kaya ko pa rin naman makipaghabulan, Narinig ko ang pagtunog ng mga treats sa loob ng lalagyanan. Tumakbo ako kaagad sa sala at nandoon ang amo ko!


Hawak niya ang garapon nang paborito kong pagkain, "Julo! Dito kain ka." Saad ng aking amo, Masaya akong lumapit sa hapagkainan ko at binigyan niya ako ng dalawang kutsa nang paborito kong treats. Meron pang karne at buto na puwede kong nguya-nguya-in!

Saglit akong nagpahinga bago tuluyang inubos ang pagkain ko, Matapos kumain ay lumabas naman kami sa hardin ng aking amo at naglaro kami. Oo may edad na ako at hinihingal na kaagad pero para sa amo ko, Gagawin ko lahat!

Mahal na mahal ko ang aking amo dahil halos walong taon ko na siyang kasama sa buhay, Hindi niya ako masyadong nakakasama dahil busy siya sa trabaho.

Pero gaya nga nang sinabi ko, Ito ang pinaka masayang linggo dahil hindi siya nagtrabaho at naglaro kami araw-araw! Nang makuha ko ang bola ay ibinigay ko ito sa kaniya, Humilata muna ako sa damuhan at ipinakita ang aking tyan. At sa inaasahan naman ay kiniliti niya ako doon. Tuwang-tuwa pa akong nakipaghabulan sa kaniya.

Maya-maya ay sumakay kami sa kotse, Siguro pupunta kami sa park! Naka-upo ako sa tabi ng aking amo habang siya ang nagmamaneho. Nagtataka ako nang buksan niya ang bintana sa gawi kong kanan, Pinagmasdan ko siya at nakangiti naman siya sa akin. "Salubungin mo yung hangin!" Saad nito sa akin, Kadalasan ay hindi niya ako hinahayaang ilabas ang ulo ko sa sasakyan pero ngayon puwede!

Ito nga talaga ang pinaka masayang linggo para sa akin. Tumigil pa nga kami sa isang pamilyar na lugar, Maya-maya ay iniabot niya ang isang baso sa akin. Baso na may laman na ice cream! Agad ko itong dinilaan at ang sunod naman ay ang mukha niya bilang pasa-salamat.

"J-Julo hahaha! Oo you're welcome." Ani nito, Tinigilan ko ang pagdila sa kaniyang mukha at pumunta ulit sa aking puwesto. Ipinaandar niyang muli ang sasakyan at ang naka-pagtataka ay saan kami pupunta ngayon?

Nilasap ko ang simoy ng hangin, Nililipad ng hangin ang balahibo ko. Ang saya, Sana ay laging ganito. Sana ay laging kasama ko ang pinaka mamahal kong amo. "Mahal kita Julo!" Saad ng aking amo, Alam ko naman mahal niya ako. At mahal ko rin siya!

Sunod naming narating ay ang lugar na medyo ayaw ko minsan, Siguro liliguan ako ulit. Mabait naman iyong babaeng nagpapaligo sa akin kaya ayos lang. Lumabas kami ng amo ko, At ang kakaiba pa doon ay hindi ako nakatali. Kahit naman hindi ako itali ay susunod ako sa aking amo.

Pumasok siya sa may pintuan at sumunod ako, Nakiusap siya doon sa babaeng nagpapaligo sa akin madalas at biglang nalungkot iyong babae. Nagtataka ako at napatingin na lang ako nang masinsinan. Lumapit sa akin ang babae at sinuklay-suklay ang balahibo ko, Binigyan ko siya nang malawak na ngiti.

Ang mga susunod na nangyari ay ihiniga na ako sa kama, Malambot ito at presko. Hindi ako masyadong makapaglikot, Hinihingal na talaga ako at inaantok. Hinanap ko sa kuwarto ang amo ko at nandoon siya sa may pintuan. Inasikaso ako ng dalawang nurse at may naramdaman akong kung anong saglit na kirot sa may bandang likuran ko. Nagtataka akong napatingin sa aking amo ng umiyak siya.

Bakit umiiyak ang amo ko? Bitamina lang naman iyon diba? Hindi ko makakalimutan na ito ang isa sa mga pinaka-masayang araw na naranasan ko. Kasama ko ang amo ko buong linggo, hinayaan niyang lumabas ang ulo ko sa sasakyan para salubungin ang hangin, binilhan niya ako ng ice cream at naghabulan kami ng bola.

Hindi ko makakalimutan ang mga iyon dahil mahal na mahal ko ang amo ko, Ngumiti ako bago hinayaang ipikit ang mga bumibigat na talukap ng aking mga mata.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now