#17 | Apartment

82 7 0
                                    

Sobrang kalat ng apartment na 'to, Ang daming walang laman na tsitsirya at mga lata ng alak, Pero dahil gusto ko lang nang simpleng bahay. Ito ang pinaka ayos at swak ang bayad buwan-buwan.


Maghapon akong naglinis at nakaramdam rin ako nang gutom, Inilabas ko sa may gate lahat ng basura na naipon ko at umupo sa may sala, Habol-hininga kong inilibot ang aking paningin sa buong apartment. Napansin ko ang pintura sa ding-ding at kisame na tila kakaiba at hindi pangkaraniwan.

Tumayo ako at lumapit sa may malapit sa kusina at malapitang pinagmasdan ang pintura, Dinulas ko ang aking hinlalaki rito upang mag-imbestiga, At pagkatingin ko sa aking hinlalaki ay madaming alikabok at pulbos na puti na hindi ko alam kung ano na dulot siguro ng luma na ang apartment na ito.

Biro-biro kong hinila ang pintura pero sumama na lahat ng isahan, "Lah?" Saad ko, Kung ganito kagrabe ang pintura na sobrang luma na, Magiging mas malalang problema ito pag tag ulan kasi magbabasa at maiipon ang tubig sa gitna ng pader at pintura.

Napagdesisyunan kong baklasin ang lahat ng pintura at pa-pinturahan na lang nang bago, Pero napansin ko sa isa sa mga pirasong malalaki na binaklas ko ay may buhok, Buhok na parang tumubo ito mismo sa pintura na tinanggal ko sa ding-ding.

Dahil hindi mapakali ay tumawag ako ng awtoridad at pinaimbestiga ang mga kahina-hinalang pintura na nakita ko kanina. Maraming mga taong bayan ang dumating malapit sa bahay ko dahil dumating ang mga pulis upang mag-imbestiga. Kaniya-kaniyang opinyon at sabi-sabi ang aking narinig pero mas nangangamba ako dahil baka ako ang mapahamak sa aking natuklasan kahit wala naman akong kinalaman rito.

"Sabi na nga ba ay may nangyayaring hindi tama sa bahay na iyan dahil walang tumatagal na umuupa!"

"Ano kaya ang ginagawa ng mga pulis rito?"

"Baguhan ang babaeng iyan dito ngunit gumawa na siya ng eksena."

Iilan lamang yan sa mga narinig ko mula sa mga tao, Hindi ko alam ang aking gagawin dahil hanggang ngayon iniimbestigahan pa rin ang apartment; Napa-hilamos na lamang ako sa aking mukha at lumapit kay Sergeant Guerrero nang lumabas siya sa may pintuan.

"Sergeant ano pong balita? Hindi ko po alam ang gagawin ko at pasensya na kung false alarm ang hinala ko pasensya na po sa abala-"

"Totoo ang sinabi mo sa amin sa telepono Miss Ponse, Ang mga pintura na akala mo'y pintura ay balat ng mga missing person ilang taon na ang nakakaraan. Pitong balat ng mga tao ang nakumpiska na nakadikit sa mga ding-ding ng apartment." Hindi ko pa man natapos ang aking sinasabi nang putulin ni sergeant ang sasabihin ko, Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Magugulat ba ako na mahihimatay na malulungkot na hindi ko alam!

"At 'wag ka sana magulat Miss Ponse." Dagdag pa nito at tumitig sa akin, "Ano iyon sergeant?" Saad ko at hinintay ang kaniyang sagot.

"Isa sa mga biktima ay ang nawawala mong kapatid, Claire Ponse Missing January 17, 2004."

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now