#10 | Lost Bride

109 8 0
                                    

Nakita ko ang sarili kong papalakad sa labasan ng aming compound, Bagsak ang temperetura at hindi kapani-paniwala ang lamig na nararamdaman. Mundo ko ba ito? Papalakad hanggang sa marating ang nakasarang gate.

Nasa malapit at iilang hakbang lang ang pinsan ko na si Savin, Sumenyas ito gamit ang kamay na sumama daw ako sa kaniya. Nakita ko naman sa kabilang daan ang babaeng nakasuot ng pangkasal; Nakatayo at naghihintay sa akin, Bride gown pero marumi ito na parang lumusong siya sa putikan, Naka-veil rin ito kaya nakatakip ang wangis.

"Ayoko." Saad ko sa aking pinsan; Ramdam ko ang galit ng babae dahil gumagawa ito ng kung anong ingay na parang umuungol sa galit, Ang weird naman anong ginagawa ng pinsan ko dito? Gabi na at ang mga ilaw na nakasindi sa daan ay kakaiba, Mararamdamang kawangis ito ng aking mundong ginagalawan ngunit huwag malito, Hindi ko ito mundo, Mundo ito ng mga masasamang espirito at nilalang.

Naka-puti at ubod ng ganda ng pinsan ko na naga-aya sa aking lumabas at sumama sa kaniya, Binuksan ko ang gate at kunyaring sasama na ngunit sinara ko ito ulit, Nagalit lalo ang babae tawa-tawa akong sumaway dahil nagagalit ito sa akin.

Napagtantong isa itong panaginip at walang katotohanan kaya sinubukan kong magising, Ngunit ayaw kong magising.

("Nababangungot ako ngayon.") Ani ko sa aking isipan, Walang bakas na takot kong hinarap ang dalawa, Bakit ako matatakot sa masamang espirito na may masamang balak sa akin na hindi ka-aya-aya ang wangis? Kung mas malakas ang pananampalataya ko sa panginoon?

"My faith in God is stronger than your evil spirit, I do not want anything from you leave me be." Binigkas ko ang mga katagang dasal na isinasambit ko tuwing gabi. Tinakpan ng babae ang kaniyang mga tenga na para bang hindi nais makinig ang aking mga sinasabi, Tuluyan na akong nagising at sa kalagitnaan nang pagbangon ko ay patuloy ako sa pagdarasal.

Hindi maganda ang aking naranasan ngayon lamang ngunit nailigtas ko ang aking sarili sa pamamagitan nang pagdarasal nang buong puso.

"Amen."

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Onde histórias criam vida. Descubra agora