#13 | Summer

84 5 0
                                    

"Wala siyang time sa akin, Puro siya laro ganon lang siya." Hagulgol nito, Dahil wala naman akong alam gawin. Awkward na tinapik-tapik ko ang kaniyang likod. "Ahh ano, Hindi ko alam ang gagawin ko e, Pero nandito lang ako. Ano bang plano mo Jay?" Tanong ko rito at iniabot sa kaniya ang binili kong tubig kanina.

Agad niya itong nilagok at binaling ang tingin sa akin, "H-Hindi ko rin alam, I want us both to rest pero tignan mo siya parang wala lang sa kaniya." Dagdag pa nito at muling hinalamos ang mga kamay sa kaniyang mukha, E ano ba naman kasi anong gagawin ko dito? Gusto kong tumulong pero parang gusto ko na lang rin umiyak dahil wala akong magawa.

"Alam mo, Dapat hindi lang babae ang iniintindi. Dapat lahat ng kasarian mapa-isang patatas ka o bubuyog. Dapat iniintindi ka ng iba. Bilang lalaki alam ko mahirap dinadanas mo dahil kailangan mong intindihin yung babae. Pero dapat isipin mo rin sarili mo." Saad ko at itinapon sa ilog ang bato na nakita ko sa aking tabi.

Sana man lang ay may naitulong ang sinabi ko kahit walang sense ang mga advice ko, Hindi ko man lang mai-apply sa sarili ko qO_Op

"Oh wow, I felt like I have been heard. Thanks for that." Saad nito at ngumiti, Ganiyan lang dapat goodvibes lang. Nanatili kaming nakaupo sa may tabing ilong hanggang sa bumuti ang nararamdaman niya kahit papaano.

_______________
Lumipas ang mga araw ay nasanay akong lagi kaming magkausap ni Jay, Dahil may attachment problems ako; Kahit labing tatlong oras pa lang tayong naguusap ay hahanapin na kita. Hindi malabong magkakaroon ako nang nararamdaman para kay Jay.

Pero, Nagbalikan sila nung ex niya. Which is fine, Kasi doon sasaya ang kaibigan ko. Itinago ko sa aking likod ang rosas at mga sulat na aking ginawa para kay Jay; Balak ko siyang ligawin dahil may nararamdaman ako para sa kaniya. Bilang isang malakas na babae, Kung gusto ko ang isang tao pero hindi ako nito gusto, Puwede ko naman siyang ligawan hanggang mapaibig ko rin siya sa akin.

Ngunit tila ba iba ang plano nang tadhana at sadyang nangyari lang ito nang may malalim na dahilan. Tirik na tirik ang araw dahil tag-init na pero parang umuulan at malamig ang nararamdaman ko sa aking katawan.

Pinagmasdan ko silang magkahawak-kamay at masaya hanggang sa hindi ko na sila makita, I hope she will take care of him because that man once cried over for her, And I wished that man became mine once but sadly they are meant for each other.

"Goodbye Jay."

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now