Agad akong umakyat sa kwarto ko at ibinagsak ang bag ko sa sahig, Agad akong umupo sa harap ng pc ko at inumpisahan ang paglalaro. Pero hindi pa man nakakalahati ng oras ang paglalaro ko sa kompyuter ay tinawag ako ni mama.
"Anak! Limuel!" Sigaw nito, Sinubukan ko munang maglaro nang kaunti pa dahil hindi puwedeng tigilan ang larong ito dahil online game ito.
Ako na sana ang mananalo pero nadistract ako sa pa-ulit-ulit na tawag ni ina kaya inis akong tumayo mula sa aking upuan at bubuksan na sana ang pintuan nang may tumawag sa akin.
"Limuel.. Anak– 'Wag kang bababa.. Hindi si mama 'yon." Gulat na tumingin ako sa ilalim ng aking kama, Nandoon ang nanay ko nakadapa at tila ba nagtatago.
Pawis na pawis at parang namumutla, Parang nakakita ng multo. Nagtataka akong tutulungan sana siya lumabas pero tumawag na naman ang pamilyar na boses mula sa kusina.
"Anak! Bumaba ka diyan kanina pa kita tinatawag."
![](https://img.wattpad.com/cover/303277577-288-k448264.jpg)
YOU ARE READING
LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)
Mystery / ThrillerMay tiwala ka ba sa lahat tao sa paligid mo? Mapagkakatiwalaan ba talaga sila? O.. Tao ba talaga sila? All chapters are written by the author @hera_luvs_takoyaki. Courtesy To The Rightful Owner: (Of the cover of the book) Lost Chapters All Rights...