#27 | Manggagamot

55 3 0
                                    

Dagsa na naman ang mga tao, Umagang-umaga pa lang nang pagbukas ko ng pintuan ay sinalubong ako ng mga nagnanais magpa-tulong sa akin.


Sabay-sabay silang nagsalita ngunit itinaas ko ang aking kamay upang sila ay patigilin, "Nais kong manghingi ng tawad dahil matagal na akong tumigil sa pagtatawag nang mga namayapang kaluluwa. Naway huwag kayong magalit dahil gusto kong bigyan nang respeto ang inyong mga mahal sa buhay lalo na ay namayapa na sila. Nais kong manghingi ng tawad dahil hindi ko na nais pang mangambala ng mga matagal nang wala sa mundong ating ginagalawan. Nangangamba ako dahil baka sa pagbalik nila dito dahil sila ay inyong pinatawag ay hindi sila makabalik sa kanilang mundo at maligaw sila sa ating mundo. Pero maaasahan niyo, Ipagdarasal ko sila." Bakas ang pagkadismiya sa kanilang mga itsura at kaniya-kaniya na silang umalis.

Matagal ko nang tinigilan ang pag-tatawag nang mga namayapa dahil sa hindi magandang kalagayan ng aking kalusugan. Laging may nagmamatyag, May nakatingin at ang bagsak na temperatura ng aking bahay. Inihanda ko ang aking umagahan na tuyo at kanin, Hindi katulad dati na kung ano-ano ang puwede kong ihapag dahil umuulan ng pera ang pitaka ko dahil sa mga donasyon ng mga nanghihingi nang tulong sa akin para lang tawagin ko ang mga mahal nila sa buhay.

Karamihan sa kanila ay may gustong malaman at ang iba ay gustong malaman kung nasaan ang itinatagong yaman nang mga namayapa.

Ngunit itinigil ko ito hindi dahil lang sa bagsak kong katawan at hindi magandang kalagayan ng aking kalusugan, Kung hindi dahil ay marami nang naligqw na kaluluwa sa aking tahanan na hindi na muli pang nakabalik sa kanilang mundo at namalagi sa aking pang-araw-araw na buhay. Maging sa aking pagkain at naka-upo o naka-tayo sila at nagmamatyag sa akin.

Pagsisisihan man ay huli na ang lahat, Maging sa aking pagkamatay ay hindi ako lulubayan ng mga kaluluwang hindi matahimik, Ito ang kapalit nang aking pang-gambala sa kanilang mahimbing na tulog.

At ako si Carlita, Ang matandang mangga-gamot at magtatawag ng mga kaluluwa.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now