#02 | Debutante

489 13 2
                                    

"And for our 17th dance, Here goes Mr. Raziel Sanchez to dance with Ms. Alodia." Ani ng emcee, Kaba-kaba akong tumayo at nagayos ng aking suot na suit. Pinag-a-asar naman ako ng aking mga kaibigan at may patulak pa. Lumapit ako kay Alodia habang tutok na tutok sa akin ang spotlight ng entablado.

Ngumiti ako at iniabot sa kaniya ang rosas, "You look wonderful Alodia." She accepted the rose and smiled at me, "You look nice too, You should wear suits often." Tumawa pa ito, Inilahad ko ang aking kamay upang hawakan ang kaniya, Ang isa naman niyang kamay ay pumatong sa aking balikat. Ang kabila ko namang kamay ay nasa kaniyang beywang.

Tumugtog ang mabagal na musika, Instrumentong kanta ng "The One That Got Away, By Katy Perry" Isinayaw ko siya nang mabagal, Gustuhin ko mang manatili kami sa ganito alam kong matatapos rin ito. Tila ba bumagal ang oras, Mas nakita ko ang bawat detalye ng kaniyang kagandahan. Para bang prinsesa siya, Bagay na bagay ang kulay rosas na gown sa kaniyang maputing balat at mala-anghel na itsura.

"Happy Birthday Alodia, Pasensya na nakalimutan ko yung regalo ko sayo sa bahay." Iniikot ko siya at bumalik siya sa akin. "Ano ka ba, It doesn't matter; Your presence is much more important." Ngumiti siya at niyakap ako, Ang mga kaibigan naman namin sa gilid ay nagtilian. Pinagmasdan ko sila qt binigyan ng masamang tingin.

"Tignan mo sila Jay mga siraulo kahit saang lugar ang gulo nila." Saad ko, Tumawa na lang ito at tumingin kila Jay at kumaway. "Salamat sa inyo pumunta kayo, Na-late pa kayo kaya akala ko hindi kayo pupunta. My night is now complete thank you Raz." Pinagmasdan niya ako sa mata, Parang kakaiba yung titig niya. Ang lalim at ang bigat pagmasdan. Natapos ang kanta at tapos na ang pagsayaw. Hinalikan ko siya sa noo at iniwan siya sa entablado.

Nagsitilian ang mga kaibigan namin na ikinapansin ng ibang mga bisita, "Wow that is sweet! Thank you so much Mr. Raziel for that dance. And for our last dance, Ms. Alodia's special someone, Mr. Louis Gale!" Bumalik ako sa table kung nasaan sila Jay.

"Oh ano ayos ka lang ba?" Tanong nito, Ngumiti ako at bumaling sa kaniya "Oo naman, Pero tangina niyo ang iingay niyo tinitignan kayo ng ibang bisita." Umayos ako nang upo at tinignan sila Alodia at Louis.

May sinasabi pa si Jay pero wala ako sa huwisyo, Iniisip ko what if ako ang huling sayaw ng babaeng pinaka-mamahal ko? That should be me? Or it shouldn't be me? A last dance for a woman on her debut is an honor. Though I didn't get the chance to dance with her as her man.

Alodia I will love you even from a far, Maybe I didn't took care of you when we're still together but maybe my best friend will; Louis.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now