#36 | Pustahan II

50 4 0
                                    

"Nangyari ang lahat ng ito sa isang abandonadong kuwarto sa Camba, Dalawang bayan mula sa bahay na pinaginuman kasama ang biktima at ang mga suspect at maging ang saksi sa krimen na nangyari. Your honor, Your decision for this hideous crime that is committed by the suspects that are inside this court right now is in your hands. Justice for Paul Menares Goquingco." Saad ko at ibinaba ang mga papeles na aking hawak, Ito na ang huling hearing para sa kaso ni Paul. Mahal, We are almost there.


Ibinaling ko ang aking tingin sa mga gumawa nang hindi makataong bagay noong araw na iyon, Sariwang-sariwa pa sa isip ko na parang kahapon lang. Ang saya, Ang sayang pagmasdan na naka-yellow na jail mate t-shirt sila at nakayuko sa hiya.

"The jury has decided, With the evidence given to the court of appeal and the witness. I hereby proclaim the 8 suspects for the sexual assault of Paul Menares Goquingco guilty. The 8 suspects will be imprisoned for 55 years. Case closed, dismissed." Napatayo ako sa sinabi ng judge. Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang aking mga palad, Agad kong niyakap si mama Paula. Ang nanay ni Paul.

"We won ma."
"Thank you 'nak.."

Malungkot na masaya, masayang tagumpay.
Kumalas ako sa yakap ni tita habang sabi naman niya ay kakausapin niya lang ang judge saglit. Ibinaling ko ang aking tingin kila Jesse at sunod-sunod na pinosasan ang mga suspects nang kaso na hinawakan ko at tinapos ngayon lamang rin. Natagalan man pero nakamit ang hustisya. Nagpupumiglas sila lalo na si Jesse, Nagulat ang lahat nang tumakbo si Jesse papunta sa akin at lumuhod sa aking harapan. Wala akong maramdaman kung hindi ang pandidiri at hiya para sa kaniya, Kung hindi siya nahihiya sa sarili niya ay ako na lang ang mahihiya para sa kaniya.

"Please Hannah, Magkaibigan naman tayo diba? Please ayaw kong makulong-" Hindi ko na hinayaan pang matapos ang sasabihin niya at yumuko upang pantayin ang lebel namin sa isa't-isa dahil nakaluhod siya sa aking harapan. Agad naman na sumunod ang dalawang pulis sa amin. "Jesse, Nakulong sa mundong mapanghusga at marumi si Paul. Yung araw na 'yon, Naawa ka ba sa kaniya kahit magmakaawa siya sa'yo? Hustisya ang lalaban para sa kaniya, Hindi kita sasaktan dahil hindi ko hahayaang dumampi ang balat ko sa isang kriminal na katulad mo." Ani ko at ngumisi, Tumayo na ako at hinayaan damputin siya ng dalawang pulis, Pumiglas pa ang ilan sa kanila. Ang iba naman ay tahimik na naglakad palabas papunta sa mga selda nila.

Bumalik sa paguusap sila mama Paula at maging ang judge at ang mga dumalo sa korte ngayong araw para tapusin ang kaso. Lumapit ako sa kanila at nakipag-kamayan sa judge, Isa siyang sikat na judge. Dahil sa taglay niyang talino sa pagbigay nang hustisya sa mga karapat-dapat para dito. Nasakto ay siya ang may hawak ng kaso na binuksan at inihain ko para kay Paul.

"Miss Hannah Goquingco, I really am amazed at your courageous movement on this case. I'm looking forward on seeing you on court again." Saad nito at ngumisi, Ngumisi rin ako at napaisip na. Tama ang tinahak kong daan, Daan sa pagiging abogada.

Kung hindi man kita naipagtanggol noon ay ipagtatanggol ko ang mga taong katulad mo ay sinaktan ng ibang tao at hindi maipagtanggol ang sarili. If back then, I couldn't manage to punch all the guys that have hurted you. I will fight for other's voices this time, For you Paul. "Magkikita tayo madalas judge, Marami pa akong reresolbahang kaso." Dagdag ko at tumawa, Nagpatuloy sila sa pagkuwentuhan nang maagaw nang atensyon ko ang boses ni Yuan. Ang anak ni Paul at ni Jesse, Pero anak namin 'to ni Paul. Sa puso ko ako ang nagluwal sa kaniya.

Limang-taong gulang na siya at mabilis siyang lumaki, "Nandito si mommy!" Sigaw ko sa kaniya nang makitanh hinahanap niya ako sa loob ng kuwarto, Tumakbo siya papunta sa akin magmula sa pintuan. Natigilan ako dahil nang tignan ko siya ay nakita ko ang daddy niya, Kuhang-kuha niya ang itsura ng daddy niya.

There's no day that I don't miss your dad Yuan.. Its not your dad's fault he left. He's just.. tired.

"Hayaa! Ang bigat mo nasasaktan si mommy." Ani ko at tumawa, Binuhat ko siya at pinaulanan ako ng halik sa pisngi. "Wala na yung bad guys na nanakit kay daddy mommy?" Tanong nito matapos akong yakapin, Ngumisi ako at tumango-tango. Nagsasayaw-sayaw naman ito at hinalikan ako muli sa pingi.

Naalala kong hindi niya pa nakikilala si judge kaya ipinakilala ko siya, "Judge Mon, Anak ko po si Yuan. Anak po namin ni Paul." Saad ko at inilapit sa kaniya si Yuan, Nag-mano-po si Yuan na ikinatuwa naming lahat. "Ahh yes yes I also heard about this little fella. Kay guwapo naman pa lang bata e. Hannah, Salute for your gratitude and kindness for taking care of your late husband's son." Ani nito at tinapik-tapik ako sa balikat, Tumango-tango ako bilang pag-sang-ayon dahil maging ako ay hindi makapaniwala na kaya kong tanggapin na alagaan habang buhay ang isang batang hindi nabuo sa aking sinapupunan.

"Judge, Its not the child's fault and also.. Anak siya ni Paul at mahal na mahal ko po 'yon. Sadly he's not with us anymore but. We have a son which we truly love a lot. Hindi po sukatan 'yan sa dugo kung hindi sa puso po. And he's my son judge, His name is Yuan Goquingco."

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now