#26 | Hotel

62 4 0
                                    

Pangatlong araw ko na rito sa mumurahin at hindi maganda ang kundisyon na hotel, Pero dahil masikip ang budget. Kailangan kong magtipid hanggang sa makabawi sa trabaho.


Maliligo sana ako at isinindi ang tubig ng shower, Pero nang umagos ang malamig na tubig sa aking katawan ay nalasahan ko ang kakaibang lasa nito. Hindi naman sa talagang iniinom ko pero kusa ko siyang nalasahan, Nang buksan ko ang aking mga mata ay kulay itim ang tubig na lumalabas sa shower kaya pinatay ko ito. Nag-amoy imburnal, at patay na hayop naman ang katawan ko.

Gusto kong magalit dahil maliligo nga ako para bumango, Pero hindi nakakatulong ang hindi magandang kondisyon ng tubig.

Lumabas ako nang nakatapis ng tuwalya at marami ring iba pang mga nag-check-in ang nagrereklamo sa lobby, Lumapit ako roon at naki-chismis. Kaniya-kaniyang reklamo, sigaw nang pagrereklamo dulot ng galit at ang iba ay dismiyado. Kaniya-kaniyang opinyon at usapan ng mga guest laban sa mga staff. Pagpapasensya na lang ang nasabi ng mga staff.

"Ano ba?! Ang baho kaya ng tubig niyo! Linisin niyo naman ang water tank!"

"Kulay itim ang tubig, Baka puwedeng paki-check ang tubig?"

"Hindi naman puwede iyon, Labag sa health codes 'yon!"

"Isusumbong ko kayo sa mga awtoridad kapag wala akong refund."

Iilan lamang 'yan sa mga reklamo ng mga guest, Hindi ko na sila pinansin at pumunta na lang sa isang gas station kasama ang mga kagamitan kong pang-ligo.

Nang matapos ay bumalik rin ako sa hotel para sana kunin ang mga gamit ko at lumipat ng hotel, Kesa naman sa magtiis ako rito. Pero nang makabalik ako ay may mga pulis na nasa harapan ng hotel na pinagi-istayan ko at ang mga tao ay nagpu-pulong-pulong upang maki-balita. May iilan ring reporter na nagbabalita at itinuturo ang hotel.

Nakakapagtaka dahil saglit lamang akong nawala, Dahil hindi makapasok at gustong malaman ang nangyayari ay nagtanong ako sa dalawang may edad ng lalaki. "Tay, Anong nangyayari bakit may mga pulis?" Tanong ko at napalingon ang dalawang magkumpareng lalaki sa akin at muling bumaling ang tingin sa mga pulis. "Ay ang hotel na iyan iho, May babaeng patay na nang matagpuan daw sa water tank ng hotel na iyan. Kaya pala nagrereklamo ang mga bisita diyan na kulay itim ang tubig. Nalulusaw na pala ang labi ng dalagang namatay diyan." Ani nito, Naistatwa ako sa aking kinatatayuan at hindi alam ang sasabihin.

Ang tubig na dumaloy sa aking katawan ay may katas  dugo at kung ano pa nang isang namatay na babae.

Kailangan kong pagbutihan ang pagtatago ng katawan sa susunod, Nakita nila agad ang biktima ko.

THIS CHAPTER IS BASED ON A REAL STORY, ELISA LAM. SHE WAS FOUND DEAD AT THE WATER TANK OF THE CECIL HOTEL IN LOS ANGELES. DESPITE HAVING LOTS OF INVESTIGATORS TO INVESTIGATE THE MYSTERIOUS CRIME, THE CASE REMAINED UNSOLVED. YOU CAN WATCH THE DOCUMENTARY ON NETFLIX

Title: Crime Scene: THE VANISHING AT CECIL HOTEL.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now