May kwento noon, Na ang taong para sayo ay nakatali sayo.
Pulang tali daw, At balang araw makikita mo rin siya. Ang dami kong nakikita na sa wakas nakita na ang dulo ng kabilang pulang tali. Ang nakatali sa duluhan noon ay ang makakasama nila sa habang buhay.
Nakakapagtaka, Ang tagal kong naghintay pero hindi gumagalaw ang tali ko. Kaya napagdesisyunan kong puntahan ang dulo ng tali.
Sinundan ko kung nasaan ang dulo ng tali, Naglakbay ako, Kahit gaano katagal gagawin ko. Naumpisahan ko na ang paglalakbay na 'to kaya dapat matapos ko.
Sa wakad ay narating ko na rin, Narating ko na ang dulo ng tali. Nakilala ko na ang taong para sa akin.
Ngunit, Wala na siya. Wala na siya sa mundong ito. Matagal na siyang namayapa. Pinagmasdan ko ang pulang tali na nakabaon sa lupa, Sa lupa na kung saan nakalibing ang taong sana ay makakasama ko sa panghabang buhay.
Umupo ako sa may damuhan, At nagpalipad ng oras doon. Hindi ko alam ang sasabihin at mararamdaman ko na ngayon ay natagpuan ko na ang taong dapat ay kasama ko ngayon pero agad siyang nawala.
"Right path, Wrong time. I looked for you for so long but you're already gone."
![](https://img.wattpad.com/cover/303277577-288-k448264.jpg)
ВЫ ЧИТАЕТЕ
LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)
Детектив / ТриллерMay tiwala ka ba sa lahat tao sa paligid mo? Mapagkakatiwalaan ba talaga sila? O.. Tao ba talaga sila? All chapters are written by the author @hera_luvs_takoyaki. Courtesy To The Rightful Owner: (Of the cover of the book) Lost Chapters All Rights...