#45 | Dalampasigan

35 3 0
                                    

Ang masarap na hangin na dumadampi sa aking balat, Ang tamang init ng sikat ng araw. Pumikit ako habang dinadama ang ganda ng paligid.

Nakaupo ako sa buhangin nang tumabi sa akin ang matagal ko ng kaibigan, Si Naih.

"Anong iniisip mo dyan?" Tanong niya at hinampas ang aking braso, Hindi ko siya matanong kung bakit niya na naman ako hinampas dahil sobrang saya ko sa araw na ito.

Pinagmasdan ko siya sa aking gawing kanan at muling tumingin sa dalampasigan, Nandoon ang anak ko naglalaro ng buhangin kasama ang tatay niya.

"Ang tagal na nating magkaibigan, Hindi ko inaasahan na magkikita pa tayo." Saad ko at umirap sa kaniya, Kumakain naman siya ng ice candy at itinaas niya ang kaniyang kilay. "Ano ba Hera kadiri ka ha, Nags-sweet words ka na naman dyan na parang mamamatay ka na." Saad nito at kumagat sa kaniyang ice candy.

"Hoy hinay-hinay, Mabilaukan ka pa dyan." Biro ko sa kaniya, Inikot niya ang kaniyang mga mata at muling kumagat sa kaniyang ice candy. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag at napagisipang buksan ang rp'er account ko. "Buksan ko 'tong rp'er account ko, 13 years ko nang di nabubukas." Dagdag ko at pinasilip sa kaniya ang account ko kung saan ako magl-log-in.

Tumango ito at muling chumibog sa kaniyang mga pagkain na dala.

'Hinay-hinay, May bukas pa Naih.'

Nandoon ang email pero kailangan ko ang password "Hera.. 69&96." Saad ko at tinype ang mga iyon, "Hoy anong 69 and 96, Ang bastos mo Hera." Ani nito at nakitingin sa aking cellphone. Agad akong lumayo at dinepensahan ang sarili ko. "Para sabihin ko sayo sinaunang ninuno, Fav number 'yan ni Hugo! Itapon kita sa gutom na balyena e." Saad ko at tinapat sa pagmumukha niya ang screen ng cp ko.

Tinaas niya na naman ang mga kilay niya at chumibog na lang ulit, Tinignan ko ang cellphone ko at pinindot ang enter. Pagkabukas ng account ko at sumalubong ang libo-libong notifications. Mga messages galing sa mga taong nag-delete acc na.

Busy ako sa pagtingin ng mga notifications nang may nag-chat, Pinindot ko ang message na iyon at binuksan.

Hugo Arbuès | Active Now 𒊹︎︎︎

___________________________
"I love you darling."
     sent 2:39 PM
___________________________

Nakangisi akong tumingin sa dalampasigan pero nasa harap ko na pala siya, Hinalikan niya ako dahilan upang bumagsak kami sa buhangin. Nakapaibabaw siya sa akin habang sumunod naman ang anak namin si Hugh.

"Ew so kadire.. I'm out of here na talaga." Reklamo ni Naih at umalis kasama ang mga pagkain niya, Natatawa kaming pinagmasdan siya hanggang sa makapasok siya sa cottage.

Pagbaling ng tingin ko pabalik sa kaniya ay nakatingin rin siya sa akin, Ang mga titig na parang unang beses kong makikita lagi.

Binigyan ko siya nang mabilis na halik at pinagpipisil ang pisngi niya. "Hindi ka nag-ilyt." Reklamo nito at nagkunot ng kilay, Natawa ako nang bahagya at hinalikan ang kaniyang pisngi.

"I love you more hon." Saad ko at niyakap siya, Agad niyang pinaubaya ang kanyang katawan sa akin, Humiga siya sa may dibdib ko maging ang anak ko.

"Ako din mommy, I love you!" Ani nito at hinalikan ako sa pisngi, Ngumiti ako at binaling ang tingin sa kaniya. "I love you too baby." Matapos noon ay sumunod sa cottage ang anak ko.

Sinuklay-suklay ko naman ang buhok ng aking dating nobyo na ngayon ay asawa na, Sino ang makakapagsabi na magiging kami hanggang sa huli?

Hindi naman tungkol sa destiny 'yan e, Kayo ang gumagawa ng sarili niyong destiny. And I happen to made mine with this mad. He completed me whole, He's my everything.

I'm Hera Rabiosa, And I married the man I crossed paths with in an imaginary world called Role Player World.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Onde histórias criam vida. Descubra agora