#59 | Play

7 1 0
                                    

Based on a true story.

Gabi na nang may kumatok sa pintuan ng aming tahanan, tumayo ako at binuksan ang pintuan. "Ano 'yon?" Ang bumungad sakin ay ang isa sa mga guro ng paaralan, isa kasi akong school guard at janitor ng paaralan na matagal ko nang pinagta-trabauhan. "Magandang gabi ho, kong Ner. Nakalimutan ko ho kasi ang helmet na nasa may table ko, kukunin ko lang ho sana." Saad nito saka ngumiti. "Ah.. ganon ba? Tara." Sagot ko at kinuha ang susi na siyang magbubukas sa gate ng paaralan.

Madali lang naman lakarin ang paaralan mula sa bahay kaya agad rin naming narating 'yon. Nakamotor ang mag-asawa kasama ang limang taong gulang nilang anak. Ipinasok nila ang motor para mas mapadali ang pagpunta sa classroom ng guro.

Madilim na at wala ng araw, tanging mga ilaw na lamang ang nagsisilbing liwanag. Mabilis lang naman ang tinagal at agad silang lumabas, ngunit pagkalabas nila ay ikinataka ko ang mga mukha nilang hindi mo maipinta. "O? Napano kayo?" Tanong ko.

Hindi sumagot ang mag-asawa. "May naglalaro pong dalawang bata doon sa may puno, pero hindi daw po nakikita nila mama." Singit ng anak nila na maliit. Nakakunot noo akong tumingin sa puno na itinutukoy nito, wala namang bata.

LOST CHAPTERS (One Shot Compilation)Where stories live. Discover now