Chapter 2: The Day We've Met

304 15 3
                                    


Xean's Point of View

Love is strange, indeed. Pagkatapos ng maikling tour naming ni Steve sa palibot ng RnJ ay nagtungo ako sa Legal Deparment kung saan ang iba sa mga agents sa main office ay nagta-trabaho.

"Good afternoon, Council Xean!" ang pagbati nila sa akin nang makita nila ang pagpasok ko.

"O baka mas naiintidihan niyo ang Annyeonghaseyo?" ang panunukso ni Liyana nang mapansin ang aking kasuotan. "Council Xean, bakit ganyan ang suot mo?"

"Ah, ito? May bagong dating kasing hired husband galling Korea," ang paliwanag ko. "Ang guwapo niya!"

"Talaga?" ang excited namang reaksyon niya. "Dahil guwapo rin ang pinag-uusapan, may mga agents na kararating para magtrabaho sa department natin. At ang guwapo ng isa sa kanila."

"Liyana, nasa opisina tayo," ang pagpapaalala ko sa kanya. "Pero... sino ba 'yung tinutukoy mo?"

Natawa naman siya sa aking tanong. "Ikaw talaga, Council Xean. Hindi mo sinusunod ang sarili mong mga alituntunin kapag mga guwapo ang usapan," ang muli niyang panunukso. "Karamihan sa kanila ay dating field agents tapos yung iba naman, gaing sa ibang department dito head office."

"Bakit? Nagkukulang na ba tayo ng tauhan?" ang tanong ko.

"Well... parang ganun na nga. Umalis na kasi 'yung iba; tapos yung iba naman, ginustong maging field agents. Alma mo na, ayaw nilang maging bampira at makulong ditto sa opisina."

"Ha? Ano naming problema sa pagiging bampira?" ang sunod kong tanong. "Si Bella nga, gusting?"

"Uhm, Isabella Swan? Twilight?"

"Ah!" ang reaksyon naman niya. "Tungkol nga pala sa sa tinutukoy kong poging bagong dating, ayun siya." Tinuro naman niya ang isang lalaki sa aming kanan. Sinundan ko naman yun ng tingin, hinanahanap ko kung sino ang tinutukoy niya. "Nakasuot siya ng navy blue na sweat shirt." Kaagad ko naman siyang nakita; kasalukuyan niyang tinitipon ang ilang file folder sa kanyang mesa. "Marky Mendoza ang pangalan niya. Galing siya sa department ni Council JC pero nag-request siya na mailipat dito sa Legal Department.

"Bakit raw?" ang pag-uusisa ko habang nakatitig sa seryosong mukha ni Marky.

"Hindi ko rin sigurado, Council Xean," ang kanyang tugon. "Hindi siya masyadong nakikihalubilo sa amin. Madalas, tahimik. Wallflower, kung tatawagin."

Bigla naming napatingin itong si Marky sa aming direksyon. Tumingin siya sa akin bago ako nginitian. Pakiramdam ko ay may naka-install na kung ano mang spotlight sa kanyang mga ngipin. Tila ba kumikinang ang mga ito."

"Teka lang! yan ba nag tinatawag niyong wallflower?" ang reaksyon ko sabaa tingin kay Liyanabago mapailing. "Bigyan niyo lang siya ng sapat na oras. Sigurado akong matutunan niya ring makihalubilo sa inyo."

Nagtungo naman ako sa aking paboritong lugar sa Legal Department, malapit sa isang bintanang katabi ng isa sa mga mesa roon. Napatingin ako sa labas at pinanood ang mga taong dumadaan.

"Hindi ko alam na may puno ng Banaba diyan sa tapat," ang kopmento ni Liyan nang tumabi siya sa akin at tumingin din sa labas ng bintana.

"Ano?" ang reaskyon ko. Itinuro naman niya ang isang puno sa malapit. Sa ilalaim nito ay may pulang banking gawa sa kahoy. "Ngayon ko lang din napansin na may puno diyan.

"Palagi kong nakikita riyan diyan," ang wika niya. "Ngayon ko lang napagtanto na puno pala ito ng Banaba."

"Ano bang meron sa punong 'yan?"

"Namumulaklak ang punong 'yan."

"Ha? Parang hindi ko pa naman nakikitang namumulaklak ang punong 'yan; kahit minsan," ang hindi ko makapaniwalang reaksyon sa kanyang sinabi. "Sigurado ka ba talaga?"

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now