Chapter 5: Heaven's End

155 7 0
                                    


Xean's Point of View

"Xean, I'm a failure," ang pag-uulit niya. "I can't give you the life that I have promised. Tama nga siguro yung sinabi niya... that I'm good for nothing. Na hindi ko kayang tumayo na wala siya."

Nagsimula naman akong maiyak dahil sa aking naririnig. "Alam mong hindi 'yan totoo. Hindi ka tulad ng iniisip o sinasabi ng mga taong nasa paligid mo." Narito lang ako. Lagi lang akong narito at ipinagdarasal ko na bawat salitang banggitin ko ay mahalaga sa kanya. Tanging hiling ko lang ay ang ihinto na niya ng pagpapatunay ng kanyang sarili sa ibang tao.

"Xean, hindi mo naiintindihan," ang wika niya.

Mali, lubos kong naiintindihan.

"Alam mo naman kung gaano kita kamahal," ang pagpapatuloy niya. "Pero kailangan kong gawin 'to. Siguro mas makakahanap ka ng mas hihigit sa akin. Isang taong kayang ibigay 'yung mga bagay na nararapat sa'yo. Sa ngayon, hindi ako 'yung taong 'yun."

"L-Lucas," ang pagtawag ko sa kanyang pangalan. Ramdam ko ang pagkawasak ng aking puso at ang pagguho ng isang magandang pangarap na aking ginawa na kasama siya.

"I'm so sorry, Xean," ang paghingi niya ng paumanhin bago marahan akong tinulak. Wala akong magawa kundi ang panoorin siyang maglakad papalayo.

"L-Lucas," pagtawag ko . This is breaking my heart. Ito ang pagkakataong dapat ay hinahabol ko na siya at kinukumbinsing huwag umalis pero hindi ko ginawa. Tumayo lang ako at hinayaan siyang iwan. Ito ang kailangan niya... ang hanapin ang sarili niya. Sana naging sapat akong dahilan para hindi niya ako iwan pero hindi 'yun ang nangyari. Sobrang mahal ko siya na wala akong hidni gagawin para sa kanya kahit na nangunguhulugang kailangan ko siyang pakawalan.

At ditto na nga nagsimula ang mapait kong tingin sa pagmamahal at sa buhay. Pagkatapos ng aming paghihiwalay, ipinagpatuloy ko ang pagta-trabaho sa munting law firm. Siguro kailangan ko ng pahinga; baka bagong tanawin. Sakto namang may dalawang lalaking nagpakita sa harap ng law firm; sila Johnny at Ricardo. May-ari sila ng isang kumpanyang nagngangalang RnJ Husband Services at inalok ako upang maging isang secret agent. Siguro nga, isang magandang lugar ang law firm upang maghanap ng mga lalaking maaring magtrabaho bilang hired husbands para sa kanilang kumpanya. Wala namang mawawala at kailangan ko ring libangin ang aking sarili kaya naman tinanggap ko ang kanilang inaalok. Sa ilang buwan ay nagtrabaho ako bilang isang abugado at isang lihim na agent ng RnJ. Inaalok ko ang mga nagsisigwapuhang lalaking ng mas madaling paraan upang maresolba ang kanilang mga pangangailangan. ANg kapalit nito ay kailangan nga nilang magtrabaho bilang hired husbands.

Naging ganoon ang kinagawian ko ng ilang buwan hanggang sa alukin muli ako nila Johnny at Ricardo ng isang mas mataas na posisyon sa kumpanya, ang maging Head ng Legal Department. Maganda naman ang alok... ang ibig kong sabihin ay ang sasahurin ko ay mas mataas pa kaysa sinasahod ng pangkaraniwang abugado. Isa pa, gusto ko na ring makawala sa lugar kung saan may koneksyon ako kay Lucas.

Panahon na upang sumulong mula sa mapait na kahapon.

AT ito nga ang kuwento kung paano nawasak ang aking puso at kung paano ako napunta sa RnJ.

"THERE he was, standing underneath the old tree, reminiscing the past," isang pamilyar na boses ang bigla ko na lang narinig. Nananaginip ako ng gising ngunit sinira naman ito ng mala historical show sa History Channel na pagna-narrate nito. Napasimangot naman ako at napatingin. Si Raena, isa sa mga miyembro ng trio na kung tawagin ko ay Powerpuff Girls na kinabibilangan din nila Liyana at Jace. Para silang... takas sa mental hospital; sila ang pinakamaingay, at pinaka-energetic na miyembro ng Legal Department. Aakalain mong mga endorser ng pinaghalong energy drink at multivitamins. Sa madaling salita, mga sakit sa ulo. Sa tuwing bibisita ako rito ay mas gugustuhin ko na lang ipaputol ang aking mga tenga sa ingay at gulong dulot nila.

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now