Chapter 40: Saved

58 5 0
                                    


Xean's POV

Malapit na akong mawalan ng pag-asa nang makaaninag ako ng isang pigurang papalapit sa akin. Kaagad kong napagtanto na si Marky iyon. Kaagad siyang lumangoy patungo sa mga corals. Agad kong napagtanto na si Marky iyon. Kumuha siya ng isang malaking piraso ng bato at sinimulang patamaan ang mga corals para pakawalan ako. Hindi naman nagtagal ay nakalaya ako. Agad na lumangoy si Marky papunta sa akin; pumulupot ang kanyang mga kamay sa sa dibdib ko at hinila ako palabas ng tubig.

Nagsimula akong umubo nang marahas pagkalabas namin sa tubig. "Xean, okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Marky habang tinatapik ang likod ko.

"Mukha ba akong okay?" reklamo ako, "Muntik na akong mamatay!"

"Kailangan mo ba ng CPR?" natataranta niyang tanong niya sa akin. "Higa ka," sabi niya sa akin habang marahang tinulak ako sa buhangin. Ilalapit na sana niya ang palad niya sa dibdib ko nang itulak ko siya palayo.

"I'm bloody conscious and breathing!"

"Oh, right," sagot niya nang matauhan siya. "Sorry, I was just dead worried. It scared me when you crashed into that huge wave."

"For the life of me, you tell me!" reaksyon ko. Pareho kaming natahimik habang pilit kong hinahabol ang aking hininga at iinisip ko ang nangyari. Muntik na akong mawalan ng buhay pero I really find Marky's reaction really odd and funny. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kundi matawa.

Napatingin sa akin si Marky, nagtataka kung bakit ako natawa bigla.

"Xean, okay ka lang?" Tanong niya sa akin. Sinalubong ko ang tingin niya.

"I can't believe you were about to perform CPR on a conscious person," natatawang paliwanag ko. "Sigurado akong CPR doesn't work that way."

"I was so worried and surprised at the same time," paliwanag ni Marky. "Hindi ako makapag-isip nang maayos at nag-panic ako," dagdag pa niya at sinabayan ako sa pagtawa. "Hindi ko alam na may pagkawirdo ka rin pala."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Muntik ka nang malunod kani-kanina lang pero heto ka, nanunukso at tumatawa," komento niya.

"Hindi ko alam," sagot ko. "Baka kasi napsukan ng tubig-alat ang utak ko sa dami ng beses na nahulog ako."

"Pero Xean," tawag niya sa pangalan ko; bigla itong naging seryoso. Inilipat ko ang tingin ko sa kanya at naghintay ng sasabihin niya. "I was so scared. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo."

Pakiramdam ko ay medyo lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko iyon. Matagal na rin nung may nagpakita sa akin ng ganitong concern. Ngumiti ako. "Huwag kang mag-alala. Buhay pa ako."

"Ah, may naalala pala ako," sabi niya habang papalapit sa paa ko. "Masakit ba?" tanong niya bago tiningnan ito.

"Medyo," sagot ko. Medyo mahapdi dala ng tuig at pag-ihip ng hangin. Napabuntong hininga ako. "Mag-iiwan ito ng peklat," wika ko. "Gumagasstos ako ng malaki para lang magkaroon ng makinis na kutis."

"Mas mabuti na 'to kaysa mamatay ka," sagot ni Marky. "Kailangan mong pumunta sa infirmarypara malinisan 'yang mga gasgas na natamo mo."

Tumango naman ako at sinubukang tumayo pero nakaramdam ako ng matinding kirot mula sa paa. Agad akong napaungol sa sakit at muling bumagsak sa buhangin. "Xean, okay ka lang?!" tanong ni Marky.

"Ayos lang ako pero masyado ko yatang nahila ang paa ko. I think I have a sprain," paliwanag ko. "I just hope my ankle is not broken."

"Let me carry you," mungkahi ni Marky. Inilagay niya ang isang braso niya sa likod ko at ang isa naman sa ilalim ng mga binti ko.

Written in the Stars (Taglish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon