Chapter 10: Meeting

134 4 1
                                    

Xean's Point of View

"Ang ganda ng pagbati mo sa umaga," ang sarkastiko ko namang komento sa kanya. "Kaaga-aga."

"Kaaga-aga nga," ang pagsang-ayon naman ni Council Nathan. "Pero pinili niyong dalawang maging bayolente."

"Ano pa nga ba?" ang pagsang-ayon naman ni Council JC sabay sulyap sa akin. Ganito nagsisimula ang aking araw; isang munting asaran sa pagitan naming mga Council members pero ganoon talaga ang aming pagkakaibigan.

"Wow, coming from you," ang naging reaksyon ko bago naupo at muling tinitigan ang lata ng kape. "May nag-iiwan ng kape sa mesa ko."

"Sigurado ka ba talagang ibang tao ang may gawa niyan?" ang tanong naman ni Council JC.

"Hindi ko naman maalala na bumili ako ng ganitong klase ng kape. Tsaka ilang lingo na rin itong nangyayari," ang paliwanag ko naman.

"Pero alam mo naming tatatlo lnag tayo rito," ang wika ni Council Nathan. "At sa tingin ko naman ay hindi nagpupunta ang mga agents dito."

"Kung gayun ay sino sa inyo ang gusting lumason sa akin?"

"Ako," ang sabay naman nilang tugon. Nanlaki naman ang aking mga mata sa aking narinig. Itong dalawa talaga."

"Pero hindi kita lalasunin gamit ang kape," ang wika ni Council JC.

"O kaya naman tinapay," ang dagdag ni Council Nathan. "baka naman binili mo lang 'yan kahapon. Masyado ka lnag stressed at abala kaya hindi mo maalala.

"Siguro nga. Magpunta na lang kaya ako sa security department?"

"Para sa napakaliit na bagay? Ang reaksyon naman ni Council JC. "Ikaw na mismo nagsabi, ilang lingo ka nang nakakatanggap ng kape. Nahihilo ka ba?"

"Hindi naman."

"Nanghihina ka ba?" ang sunod naman niyang tanong.

"Hindi."

"Tingnan mo, okay ka lnag naman. Sinabi naman naming sa'yo, bumili ka lang at nalimutan mo."

"Tama ka, madalas nga akong nakalilimot dahil sa dami ng aking ginagawa," ang pagsang-ayon ko sabay kamot ng aking ulo. "Anyway, at least, merong kape. Osiya, maiwan ko na muna kayo. Dadaan muna ako sa Legal Department para iwan ang ilang dokumento."

Tumayo naman ako at kinuha ang ilang folders bago iiwan ang aming opisina. Tinahak ko ang hallway patungo sa Legal Department. Natigilan naman ako nang makarinig ng ingay mula sa lega; department. "Hay naku, wag mong sabihin na may kalokohan na namang nagaganap dahil sa Powerpuff Girls."

Mabagal naman akong pumasok sa lungga ng mga dragon at ito ang unang beses na kahit ang daming bagay na dapat kong kainisan ay may maganda akong kaagad na nakita, ang bagong salta. Nakikipagtawanan siya sa ibang miyembro ng Legal Department. Nakakaagaw nga siya kaagad ng pansin dahil sa taglay niyang kapogian. Siguro nga ay mas may dahian na ako upang bumisita rito nang mas madalas. Hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa akin ang hindi niya pagtanggap bilang isang hired husband kahit na ilang beses na siyang inalok ng ilang agents. Puwede siyang makakuha ng malaking halaga pero baka sadyang hindi naman niya talaga kailangan.

"Mukhang may pinagmamasdan ang iba diyan," ang panunukso naman ng isang tinig. Madali naman akong natauhan at napatingin sa taong kumakausap sa akin.

"Good morning, Jace," ang pagbati ko. MUkhang hindi talaga ako makakatangap n anormla na pagbati sa lugar na 'to. "At oo, pinagmamasdan ko ang lahat, sinusubukan kong intindihin kung ano ang kaguluhang nagaganap."

"Hindi mo ba tinignan ang messages mo, Council Xean?" ang tanong niya sa akin. Madali ko naming hinila ang aking smart phone mula sa aking bulsa at tiningnan ito.Ngayon nakatakda ang isang general meeting. Ito pala ang rason kung bakit lahat ay narito.

Written in the Stars (Taglish Version)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora