Chapter 9: Breakfast

127 6 0
                                    

Xean's Point of View

Hindi ko pa rin magawang sabihin sa aking pamilya na iniiwasan ko ang araw at lugar na 'yun. Naaalala ko lang kasi ang pinakamasakit na sandal ng aking buhay, nung tinapos lahat ni Lucas ang kung anong mayroon sa aming dalawa at iniwan niya ako.

Tunay kong naiintindihan kung bakit kinailangan niyang umalis pero mas nasaktan ako sa katototohanang hindi man lang niya ako sinubukang kausapin pang muli, kahit minsan! Para bang hindi man lang siyang nagsisi na umalis siya. Para bang ako lang ang katangi-tanging naiwan sa mga ala-ala naming dalawa.

Iniwan niya ako na puro katanungan ang nasa isipan.

Kamusta na siya?

Masaya ba siya?

Kinalimutan na nga niya kaya ako?

Nasasaktan din ba siya katulad ko?

Siguro... ang kailangan ko lang naming marinig mula sa kanya ay rason upan magpatuloy. Isang rason upang tuluyan ko siyang mapakawalan. Sinubukan ko dahil gusto ko, kahit napakasakit. At ang tanging hiling ko na lang ay maging mas madali ang lahat sa akin. Pero shutabells, hindi madali at hindi naging madali kahit minsan! Kailangan kong maalis ang mga iniisip ko ngayon. Inilapag ko naman ang dokyumentong hawak ko sa mesa bago linisan ang reading nook. Nagtungo ako sa aking silid nagsimulang maghubad. Nakakagaan talaga ng pakiramdam kapag naligo ka gamit ang mainit na tubig pagkatapos ng nakakapagod na araw. At ayun nga nag aking ginawa.

Pagkatapos makaligo ay nagpalit ako sa aking pantulog at muling bumalik sa reading nook upang tapusin ang mga natitirang papeles na kailangan kong pag-aralan at pirmahan. Hindi pa man ako nangangalahati sa unang dokyumento ay tumayo ako a binitbit ang aking trabaho patungo sa balkonahe upang maramdaman ang simoy ng hangin. Binuklat ko naman ang aking bitbit na laptop at nagsimulang magpatugtog.

Ipinagpatuloy ko naman ang pagbabasa ng nakakapagod na pagbabasa. "Talaga naman itong mga 'to," usal ko habang hinihimas ang aking noo. "Bakit ba hindi niyo kayang pakalamahin 'yang mga ibon niyo sa ibaba at hintaying matapos mua ng mga kontrata. Seryoso."

Humigit-kumulang dalawang taon ko na itong ginagawa ngunit hindi pa rin ako masanay-sanay. Palagi ko silang pinapalahanan tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin ngunit pinipili nilang hindi matulungan. Siguro nga, men will always be men. Ilang oras pa ang ginugol ko sa balkonahe bap ko tinignan ang oras. Ramdam ko na ang pagod ng aking mga mata kaya naman napatingin ako sa kalangitan. Puno ito ng mga bituin na tila ba sumasayaw sa salin ng awiting tumutugtog ngayon.

"Everybody's chasing something but they don't know they're chasing someone," ang pagsabay ko sa kantang Love and War in Your Twenties' ni Jordy Searcy. "The more I live I am convinced everyone just wants to be in love."

Siguro nga. Lahat ay gusting magmahal... maliban na lamang sa akin. . I'm too good at goodbyes and I suck at relationships... that's something. Sinimulan ko naming ayusin ang aking mga gamit at iniwan ang balkonahe. Narinig ko naming nagbukas ang pinto. Hinintay ko namang makapasok si Steve.

"Oh, Council Xean-hyeong," wika niya nang makita ako. "Gising ka pa pala."

"Oo, katatapos ko rin lang magtrabaho," ang tugon ko.

"Palag ka bang nagtatrabaho hanggang gabi?" ang tanong niya; tumango naman ako.

"Masyadong maraming gawain sa Legal Department," ang paliwanag ko pa sabay hikab.

"Tulad ng?"

"Hmm." Nagsimula naman akong mag-isip ng mas simpleng paraan upang maipalawag ko ang aking tungkulin sa RnJ. "Una, kailangan kong tignan ang mga kontratang ipinapasa sa akin ng mga agent; pipirmahan kung wala nang problema. Pagkatapos, kailangan ko ring tignan ang mga report at magbigay ng nararapat na parusa sa mga hindi marunog sumunod sa patakaran ng RnJ. I sure do hope that you won't be in one of the reports shortly," ang paalala ko sabay wagay way ng mga papel sa harap niya na ikinatawa niya.

Written in the Stars (Taglish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon