Chapter 36: Emotions

70 7 0
                                    


Xean's POV

"I promised myself that I will never shed a tear for him again," Wika ko. "Pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga mapigilan. I'm sorry."

"Hindi mo kailangang humingi ng pasensya, Xean," komento niya sabay ngumiti. Marahan niyang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ko at ibinalik iyon para hawakan ang kamay ko. Marahan niya itong pinisil. "Ito ang tamang oras at pagkakataon para maging totoo tayo sa ating mga nararamdaman. Hindi mo kailangang magtago."

Tumango ako. He was reassuring... too reassuring na nagsimula na naman akong maiyak. Marahang hinila ako ni Marky palapit sa kanya at saka ako niyakap ng mahigpit. Sinimulan niyang tapikin ang likod ko. "Hindi ko lang matanggap ang nangyari sa aming dalawa."

"Alam ko. Naiintindihan ko na... it's a bitterpill to swallow," sagot niya. "Pero hayaan mo ang panahon na gamutin ka. Ikaw si Council Xean; a strong independent human being. Successful at hinahangaan ng lahat."

"Gayunpaman, napakahirap para sa akin na makahanap ng tunay na pag-ibig."

"Wag kang magmadali," sabi niya habang patuloy na hinahaplos ang likod ko. Matapos kong mapagod sa kakaiyak ay lumayo ako sa kanya at pinunasan ang mga luha ko. "It will come in the least unpredictable moment and it will surely knock you down. At sino ang nakakaalam? Ang taong iyon... puwedeng nasa isang sulok lang, naghihintay ng tamang pagkakataon. Tulad ng sinabi mo sa akin kaninahindi ikaw na nawalan. He lost you. Naging masuwerte siya pero hindi niya nakita 'yun."

"Thank you for this, Marky," pasasalamat ko sa kanya. "Ang bango mo," dagdag ko na ikinatawa niya. "Pasensya na, alam kong random lang iyon."

"No problem. Xean, kung kailangan mo ng taong iiyakan o makakausap, I would always be here," sabi niya sa akin. "Susubukan kong intindihin ka. Kung hindi naman, nandito lang ako para makinig. Whenever you need a friend just to make it through, I am here. Don't hesitate to call me."

Ngumiti ako at tumango. "Alam mo kung ano ang nakakatawa?" Itinanong ko.

"Ano?" tanong niya pabalik.

"Parang matagal na kitang kilala.," sagot ko.

"Nahulog ka na yata sa karisma ko, eh," pang-aasar niya.

"You're such the charmer," panunukso kong pagsang-ayon. "A perfect guy. Kung sino man itong taong nagustuhan mo sa Legal Department... napakasuwerteng tao."

"Paano mo naman nasabi?"

"You're nice and caring," sagot ko. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at pagkatapos, inilipat ang kanyang tingin sa buwan. Napatingin ako sa mukha niya.

"Hindi ako sigurado kung magugustuhan niya ako," ang halos pabulong niyang sinabi.

"Ang tanga niya kung hindi!" suagot ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Xean," seryoso niyang pagtawag sa pangalan ko. "Ikaw ba?"

"Anong ako?" tanong ko pabalik.

"May tiyansa bang magustuhan mo ako?" tanong niya.

"Well, I like you," sagot ko. "Kaya tinanggap ko ang pagkakaibigan mo."

"Hindi, hindi. Hindi iyon ang ibig kong sabihin," paglilinaw niya. "I mean in a romantic sense."

"Are you asking me just to feel validated?"

"I think... I am," pag-amin niya.

"Meron," sagot ko. "Just like what I've said, you're a great guy and only a stupid person will say that they won't," dagdag ko habang pinagmamasdan ang repleksyon ng buwan sa malapit na pond. Sometimes, I see some ripples. "But I guess not now, given my situation."

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now