Chapter 65: A Second Chance

77 6 1
                                    


Xean's POV

Pumasok si Jovy at Jace sa suite ko at tinulungan akong makatayo. Iginiya nila ako patungo sa sofa.

"Jace, ikuha mo si Council Xean ng tubig," bilin ni Jovy sa kanya. Maya-maya, inabot sa akin ni Jace ang baso. "Council Xean, uminom ka ng tubig at subukan mong kumalma." Sumunod naman ako. Sinubukan kong huminga nang malalim at pinakalma ang sarili ko.

Nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko ay pinunasan ko ang aking mga luha.

"Council Xean, pwede ba namin malaman kung anong nangyari sa inyo ni Marky?" tanong ni Jovy. "Narito kami para makinig. Hindi mo kailangang magtago ng mga nararamdaman mo."

"Salamat pero gusto ko lang munang mapag-isa pansamantala," sabi ko sa kanila. "Kailangan pa nating bumisita sa satellite office mamaya."

"Okay, Council Xean," tugon nila. "Huwag mong pahirapan ang sarili mo."

Tumango ako bago pinagmasdan silang tuluyang lumabas ng suite. Nanatili akong nakaupo sa sofa at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. How I just wish na mapadali ang lahat para sa amin ni Marky lalo na sa akin. Pumunta ako sa kwarto pagkatapos ng ilang minuto at naghanda para sa araw na ito. Wala akong ganang magbihis kaya nagsuot na lang ako ng isang vintage retro button-down na short-sleeved na polo shirt na ipinares sa isang pares ng blue whitewashed jeans at sneakers. Hinayaan ko lang nakalugay ang buhok ko. Isang bagay na hindi ko ginagawa kapag papasok ako sa trabaho.

I unenergetically left the suite and headed to the lobby where I met everybody; nakita ko naman si Marky sa pinakalikod.

"Bakit narito pa siya?" pabulong kong tanong kay Raena.

"Council Xean, he just drove for hours para lang makarating dito," Raena remarked. "At mayroon pang available na lugar para sa kanya sa hotel. tsaka, kailangan din natin ng mas maraming manpower."

Napabuntong hininga na lang ako. I guess tama siya. Kaya kong maging propesyonal at umarte na parang walang nangyayari sa aming dalawa. Hindi nagtagal, pumunta kami sa satellite office. Okay ang lokasyon; malayo ito sa siksikan na downtown area. Yung interior design? "I'm not fond so much of the things I see here. RnJ screams luxury which office you go to. And I'm not really amused by the simplicity of this office."

"Kailangan bang ulit magpakonsulta sa interior designer, Council Xean?"

"Hindi. Kailangan lang namin ng ilang pang gamit at dekorasyon," sagot ko. "Okay naman ang office layout. Kulang lang sa mga elementong iyon. And oh, please, change that hideous chandelier."

"Noted, Council Xean."

"Tungkol nga pala sa mga gamit, alam ko kung sino ang maaari kong kausapin," patuloy ko. "Dahil gumagana na ang system, I suggest ipagpatuloy niyo na ang ilan sa mga paper works niyo rito." Napaungol ang mga agents nang marinig nila ang sinabi ko. Awtomatiko namang kumunot ang noo ko. "Let me remind everyone that we're here to work at hindi para magbakasyon."

Pumasok naman ako sa mini-office doon na nakalaan para sa akin. Ang opisinang 'yun ay gagamitin ko kapag bumibisita ako dito. Binuksan ko ang mga bintana para makapasok ang hangin sa loob. Gusto ko lang iwasan ang presensya ni Marky. I'm just wishing he would respect the space that I have been asking him.

The team spent our days in the satellite office. Hindi ako lumalabas ng opisina which means bihira kong makita si Marky.

Makalipas ang ilang oras, napagtanto ko na matagal na pala akong nagkukulong sa mini-office na iyon. Inilapag ko sa desk ang dokumentong binabasa ko bago ko kinuha ang phone ko. Nag-message ako kay Teagan at tinanong ko siya kung pwede ba kaming magkita. Gusto kong lumabas kasama siya ngayong gabi. Sa kabutihang palad, libre siya ngayon. Ipinagpapaliban namin ang aming pagkikita dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ngunit sa wakas ay nagkaroon ako ng pagkakataong makita siyang muli.

Written in the Stars (Taglish Version)Место, где живут истории. Откройте их для себя