Chapter 38: Beach

66 5 1
                                    


Xean's POV

"Sorry," paghingi ng paumanhin sa akin ni Marky na sinabayan naman ng pagtawa ng iba. "Pero alam na nila na single ako, sabi ko nga noong nagpakilala ako kanina.

"Oo nga pala," utal ko.

"Anyway, Marky," tawag ni Raena sa pangalan niya. Alam kong may naiisip na naman siyang kalokohan. Napatingin sa kanya si Marky.

"Yes?" sagot niya.

"Random question lang," sagot niya. "Iniisip namin kung... hindi ka straight."

"Raena, hindi yan basta basta itinatanong," suway ko sa kanya.

"Oh, I'm sorry," mabilis niyang paghingi ng paumanhin. "I didn't mean to offend you, Marky. Okay lang na wag mong sagutin yan."

"It's fine," sagot niya at ngumiti. "I guess it's also time to clarify about this. I am..." Nanatiling tahimik ang lahat habang hinihintay namin ang sagot niya. "I'm bi," sa wakas ay sinabi niya.

"Okay, at ano iyon?" tanong ni Aljude. Sa palagay ko hindi lahat ng tao ay aware sa ganitong uri ng mga bagay.

"Ibig sabihin lang, puwede akong makipag-date sa mga babae at puwede rin akong makipag-date sa mga lalaki," paliwanag niya. "Puwede kong mahalin ang sinumang gusto ko."

"Kung gayon, may pagkakataon bang maging kayo ni Council Xean?"

And just like that, Raena dropped the bomb. Lahat ng nandoon ay tuwang-tuwa. Mabilis na nalaglag ang panga ko nang marinig ang katawa-tawang tanong niya.

"For heaven's sake!" Sa wakas naka-react na rin ako. "I told you stop shipping me and Marky."

"Nagsasaya lang kami," argyumento niya. Nagsimula na yatang sumipa yung alak na iniinom nila."Tanong lang. 'Di ba, Marky?"

"Yeah," pagsang-ayon ni Marky. "Para sagutin ang tanong na iyan... Si Council Xean? He's a wonderful person. I bet any guy or girl would fall for him including me."

Nagsimulang ngumiti ang lahat habang lahat sila ay nakatingin sa akin ngunit ang mga mata ko ay nakatutok kay Marky.

"But the million-dollar question is... may dine-date ka ba?" sunod niyang tanong. Napailing si Marky habang nakangiti. "May nagugstuhan ka ba ngayon?

"Y-yes, I do," nahihiyang pag-amin ni Marky habang kagat-kagat ang labi na para bang nai-imagine niya ang mukha ng taong gusto niya. Saka siya tumingin sa direksyon ko at ngumiti sa akin.

Bigla namang nawala ang excitement ng lahat na tila ba hindi sila interesado sa sinagot ni Marky. Tinapik ako ni Liyana sa likod. "Huwag kang malungkot, Council Xean. Sayang naman."

"Ano?" mahinang utal ko; nagsalubong ang mga kilay ko.

"Oh, well," binasag ni Raena ang awkward na katahimikan. "At isa na namang barko ang lumubog sa lalim ng karagatan ng aming malungkot na malungkot na mga luha."

"Then, just let it sink and forget," reaksyon ko. Bumalik si Marky sa kanyang upuan habang nagpatuloy ang barbecue party. Napuno ang gabi ng tawanan, kantahan, at kulitan. Ang bawat isa ay nagpalango sa dagat ng alak nang gabing iyon maliban sa akin. Sinubukan ko kasing limitahan ang pag-inom ko; sabi nga nila ano mang sobra ay masama. Tumingin ako sa paligid, mukhang okay pa naman ang lahat. Ang iba sa kanila ay bumalik na sa kanilang cabin habang ang iba ay buhay pa at nag-iingay pa... maliban sa isa, 'yung lalaki sa tabi ko. Nakatulog na si Marky habang nakapatong ang noo niya sa lamesa. Sinubukan ko naman siyang gisingin. "Marky... Marky... Bumalik ka na sa cabin at doon ka matulog."

Napaungol lang siya saglit bago bumalik sa pagtulog. "Marky," sinubukan ko ulit siyang gisingin. "Gising na."

"I think dapat dalhin mo na siya sa cabin niyo," suhestyon ni Jace.

Written in the Stars (Taglish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon