Chapter 33: Apples

69 4 0
                                    


Xean's POV

"Akala ko ba ayaw mo sa mga ibon," sabi ko kay Ladine.

"Well, nagbago ang isip ko," sagot niya. "Gusto ko ring makita ang iba pang mga hayop." Tumingin siya kay Marky. "Having a good time, I see."

"Don't start an argument," sabi ko sa kanya; ngumisi lang siya. Hindi nagtagal, pumasok sila sa loob ng mini-zoo. "So, anong plano natin?" tanong ko kay Marky.

"Hindi ako sigurado," sagot niya. "Gusto mo bang bumalik sa cabin? O pumunta sa bar para uminom?"

"Mas gusto kong pumunta sa bar," sagot ko. Ngumiti siya at tumango. Papunta nga kami sa bar nang makasalubong namin si Raena kasama sina Aljude at Aljon. "Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sa public market, Council Xean," tugon niya. "Bibili kami ng mailuluto for dinner."

"I see. Pwede ba kaming sumama?" tanong ko. "Gusto ko ring bumili ng ilang bagay." Tumingin ako kay Marky at humingi ng permiso. Gusto rin naman niyang sumama. "Tutulong na rin kami sa pagbili sa mga dapat niyong bilhin."

"Sige, Council Xean," pagpayag ni Raena.

"Hindi ba pwedeng sabay-sabay na lang tayong kumain sa restaurant?" tanong ko. "Bakit kailangan nating bumili ng pagkain at magluto dito?"

"Hindi nago-offer ng group meals 'yung restaurant dito," paliwanag niya. "And it wouldn't be cost-effective if we avail the ala carte meals there. Buti na lang may outdoor kitchen sila kung saan kami maghahanda ng mga pagkain natin. Oh, the restaurant serves complimentary breakfast in the morning, buffet style."

"Mabuti naman kung ganoon" sabi ko. Dahil ginamit namin ang tour bus upang makarating dito, magbibiyahe kami sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon upang makapunta sa public market. Ang lugar ay hindi malayo sa resort; wala pang sampung minuto ang byahe namin sakay ng bus. "Anong plano mong iluto?"

"Well, given the fact na allergic ka sa seafood, naisip naming na maghanda ng meat dishes ngayong gabi," sagot niya.

"Naku. Don't mind me," sabi ko. "Ayos lang naman ako sa isda."

"Pero gusto rin naming ma-enjoy mo ang pagkain," pangangatwiran ni Raena.

"Tama siya, Xean," pagsang-ayon ni Marky.

"Excuse me?" Mabilis na nag-react si Raena. "Anong tinawag mo sa kanya?"

"C-council Xean," nauutal na sabi ni Marky.

"Naku, akala ko tinawag mo siya sa pangalan niya," sagot ni Raena. "Magugulantang na lang ako kapag nalama kong may mga paborito na si Council Xean."

"Wala," paniniguro ni Marky. "He's fair and just."

"I know right!" pagsang-ayon naman ni Raena. "Anyway, narito ang isang kopya ng dapat nating bilhin." Inabot ni Raena kay Marky ang isang papel na naglalaman ng mga bibilhin. Sumilip ako sa mga nakasulat.

"Bilhin niyo na lang yung nasa second row," dagdag pa ni Raena bago inabot sa amin ang pera. "Magkita tayo sa lugar na ito kapag nakumpleto niyo na ang lahat."

"Noted," sagot namin ni Marky. Nagsimula na kaming pumunta ni Marky sa iba't-ibang parte ng public market. Tumingin-tingin kami sa paligid at bumili ng kung ano mang nasa listahan.

"Hayaan mo akong bitbitin 'yang mga yan," alok ni Marky habang sinusubukang kunin sa akin ang mga plastic bag na bitbit ko. Mabilis ko namang iniwas ang mga kamay ko.

"Hindi mo kailangan dalhin lahat, Marky," pagtanggi ko. "These are just spices."

"Then, let me carry the heavy ones," giit niya.

Written in the Stars (Taglish Version)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant