Chapter 41: Sky Lanterns

57 5 1
                                    


Xean's POV

Pagkatapos makabili ng gamot na nireseta ng doktor ay bumalik na kami ni Marky sa resort. For the rest of the team-building activity, I remained sitting while watching the others finish the tasks given by Raena. Ginagawa ng teammate kanilang makakaya upang manatili kaming nagunguna sa scoreboard. Si Marky na ang naging lider ng aming grupo since hindi ako makagalaw nang maayos. Every now and then naman ay pinupuntahan niya ako to check if I'm okay. Binibigyan nila ako ng mga gawain na maaari kong gawin sa kinauupuan ko. Hindi ako makapaniwala na talagang nag-e-enjoy akong kasama sila. I guess tama si Marky; na amay pagka-wirdo nga ako pagkatapos ng lahat.

Para sa aming huling activity, sinabihan kaming kailangang gumawa ng bawat isa ng isang paper sky lantern. Sa loob ng ilang minuto, nakatutok ako sa ginagawa ko. At nang matapos ako, hinintay ko ang iba. Napatingin ako kung nasaan si Marky at nakita kong nilukot niya ang papel na hawak niya. I suppose hindi siya into arts and handicrafts. Sinubukan kong tumayo at maglakad patungo sa kinaroroonan niya. Huminto siya at tumingin sa akin nang maramdaman niya ang presensya ko. "C-council Xean, may kailangan ka ba?" agad niyang tanong. Umiling ako.

"You're not my personal assistant," sabi ko sa kanya. "So, you don't need to worry about me. You should focus on finishing that sky lantern."

"Sinusubukan ko," sagot niya at saka napakamot sa ng ulo.

"Nahihirapan ka ba?" tanong ko.

"H-hindi!" pagsisinungaling niya.

"Okay lang na humingi ng tulong," komento ko. "Iyon naman ang goal ng teambuilding na ito, 'di ba?"

"I guess so," pagsuko niya. "Oo, kailangan ko ng tulong," pag-amin niya. "Hindi talaga ako magaling sa ganito."

"Then, let me help you," alok ko. Tumango siya at tinulungan akong makaupo nang maayos. Tinuruan ko naman siiya kung paano gawin ang paper lantern; mabuti nga ay nakikinig siya sa akin.

"Wow, ang galing mo talaga sa ganito," puri niya sa akin.

"Well, I really like doing handicrafts when I was younger," paliwanag ko. "Ngunit halos wala na akong oras mula nang nag-law school ako."

"I guess this is like a breath of fresh air to you," sabi niya.

"I agree. "

"Tapos na," anunsyo niya habang nakatingin ako sa kanyang sky lantern.

"Not bad," komento ko.

"Hay... salamat."

Pareho kaming nakatingin sa langit. Puno ito ng mga bituin, kumikislap na parang may sumasayaw sa langit. Sunod namang pinasindihan sa amin ang aming mga sky lantern. Tinulungan naman ako ni Marky na tumayo.

"I'll go get your lantern for you," sabi niya bago umalis.

"Council Xean," pagtawag ng isang boses. Lumingon ako at nakita ko sila Jace, Liyana, at Raena.

"Yes?" sagot ako. "May problema ba?"

"Wala naman," sagot nilang lahat.

"Gusto ka lang naming tingnan," paliwanag ni Raena.

"I'm okay," sagot ko. "It's just that I really can't walk well after what had happened."

"It's a relief na narito si Marky at inaalagaan ka," sabi ni Liyana.

"Well, kasalanan niya in the first place," sagot ko. "Responsibilidad niyo ako," dagdag ko.

"Naku. Kapag ang tadhana talaga ang pumepeyborit ng tao," bulong ni Jace. Nangunot ang noo ko sa narinig ko. "Pero Council Xean, puwedeng magtanong? Since we are here at ang goal ng team building activity natin ay makilala natin ang isa't-isa, gusto lang naming... alam mo na... kunin 'yung pagkakataon. "

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now