Chapter Seventeen: Morning

94 4 0
                                    


Xean's POV

Napaungol ako nang magsimulang mag-ingay ang aking alarm clock. Naging matagumpay naman ito sa paggising sa akin na tila ba ito na ang huli kong araw sa mundo.

"Shut up, you piece of trash," ang saad ko bago malakas na hinampas ang kawawang bagay. Tumigil nga ito sa pag-ring. Bumalik naman ako sa kama at isinara ang aking mga mata. Batid kong kailangan ko nang bumangon pero hindi naman siguro masama kung iidlip pa ako ng ilang minute, hindi ba?

Hindi. Hindi puwede. Iminulat ko naman ang aking mga mata at hinila ang aking sarili. Para akong isang zombie papalakad sa shower room. Sigurado ako na magigising ako pagkatapos makaligo.

Pagkatapos ay dumeretso naman ako sa aking walk-in closet at nagpalit. Nagsuot lang ako ng isang dark gray trousers at vintage printed short-sleeved button-down shirt na pinaresan ko pa ng light brown loafers. Lumabas ako ng silid bago kinuha ang susi ng kotse. Wala akong oras maghanda ng almusal ngayon pero sigurado naman akong kaya na ni Steve ang sarili niya. Ang hula ko ay natutulog pa rin siya sa mga oras na ito. I just sent him a message. "Jaewon, I'll be heading to RnJ already. Grab some breakfast at the fridge or on your way to Viajero."

Ibinalik ko ang aking phone sa aking bulsa bago lumabas ng condominium complex. Papalabas na sana ako ng double glass door pero napagtanto ko na tirik ang araw kaya naman sinuot ko ang aking aviator glasses bago naglakad patungo sa parking lot.

"Good morning, Council Xean," ang pagbati ng mga agents nang makita nila akong pumasok sa Head Office. Ngumiti naman ako at binai sila pabalik. Ramdam ko ang pamamaos ng aking lalamunan dala ng mahaba kong pananalita kagabi.

"Morning," ang pagbati ko kay Council Nathan at Council JC nang makarating ako sa opisina naming.

"Ayos ka lang?" ang tanong ni Council JC.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Mukhang hindi wala ka sa kondisyon," ang paliwanag naman ni Council Nathan.

"Ah, medyo napagalod lang ako sa Adonis Gala kagabi," ang paliwanag ko. "Kayong dalawa! Hindi man lang kayo nagpaiwan at tumulong!"

"Pasensya na. Alam mo namang may lakad kami."

"Oo, ang makipagkita sa mga babae." Napaikot naman ako ng mga mata. Nagtungo naman ako sa aking mesa at may kaagad na napansin, At hindi, hindi ito isang lata ng black coffee kundi isang pulang paper cup na may putting takip. Dinampot ko naman yun at kaagad na napagtanto na wala itong laman. "W-what?" ang bulong ko sa aking sarili. Naramdaman ko naman na may kung anong papel na nakadikit ditto. Inikot ko naman ito at nakita ang isang kulay dilaw na stick-it note. Binasa ko naman ang nakasulat: Mix with warm water. Sana okay lang ang pakiramdam mo. Napakunot naman ako ng noo sabay bukas ng takip nito. Mayroong kung ano man ang nasa loob. Hindi ito kape kundi isang kulay dilaw na syrup na may ilang parang hibla ng kung ano mang prutas. Inamoy ko naman ito at kaagad na nalaman kung ano ito; honey citron tea! Marami nito sa mga Korean supermarket sa Baguio City at madalas akong uminom ng ganito kapag mat sipon o ubo ako. Napangiti naman ako.

"Mukhang active na naman ang secret admirer mo," ang komento ni Council JC.

"Sa tingin ko ay hindi 'yun isang secret admirer," tugon ko. Hinila ko naman ang stick-it note at inilapag sa aking mesa bago nagtungo sa water dispenser at pinunan ito ng mainit na tubig. Nagpapasalamat ako sa kung sino man ang nagbigay nito sa akin. "Papunta ako ng Domain of Lust."

"Anong gagawin mo roon?" ang tanong naman ni Council Nathan.

"Gusto ko lang tingnan ang mga agents," ang tugon ko. "They are to pack the opera house up after the event."

Iniwan ko naman ang opisina naming at nagtungo sa Domain of Lust habang umiinom ng honey citron tea.

"Council Xean! Good morning!" ang bati ng isang pamilyar na boses.

"Good morning, Marky," ang bati ko sa kanya. Ngumiti naman siya at tulad ng dati ay nasilaw ako sa mga ngipin niyang maputi. Linapitan niya ako.

"Ang bango," ang komento niya.

"Oh, honey citron tea," ang tugon ko.

"Alam ko," wika niya. "Pero ang pabango mo ang tinutukoy ko."

"Nagustuhan mo?" ang medyo gulat na tanong ko. Tumango naman siya. "It's Givenchi Pi."

"Classic."

"Gusto ko rin ang pabango mo," ang wika ko. "Anong pabango ang gamit mo?"

"Blue de Chanel, Council Xean."

"Bagay sa'yo."

"Mabuti naman."

"Siya nga pala, kamusta ang lahat sa opera house?" ang pagbabago ko ng usapan.

"Yes, Council Xean. Sinisimulan na naming ayusin ang lugar."

Kapwa naman kami pumasok ng Domain of Lust. Kaagad ko namang nakita ang mga agents na nag-aayos na ng mga gamit. Lumapit naman sila Raena, Liyana, at Jace.

"Good morning, Council Xean!" ang bati nila sa akin. Nakainom ba sila ng energy drinks at kaaga-aga ay napaka-energetic nila? Samantalang ang utak ko ay papagising pa lang. Inangat ko ang hawak kong baso bilang pagbati sa kanila.

"Nakahanda na ba ang mga kontrata?" tanong ko.

"Ipri-print naming ang mga kontrata pagkabalik ng mga printers sa Legal Department, Council Xean," ang tugon naman ni Liyana.

"Eh, 'yung mga profile ng mga kliyente?" ang sunod kong tanong.

"Napadala na namin sa mga hired husband," ang tugon naman ni Jace.

"Good job. Pupunta na muna ako sa Legal Department. Naniniwala ako na kaya niyo na ang mga gawain ditto."

"Yes, Council Xean," ang tugon naman nilang lahat. Lumabas naman ako ng Domain of Lust at nagtungo sa Legal Department. Isa ito sa mga pagkakataon kung kailan napakatahimik ng lugar. Naglakad naman ako patungo sa bintana kung saan puwede kong pagmasdan ang puno ng banaba.

Napakaganda ng tanawin sa labas ng bintana. Maaraw habang humahangin na nagpapasayaw sa mga dahon ng puno. Ang ilan naman sa mg dahon ay nalalaglag. Kung ganito lang din sana kapayapa ang aking buhay. Inalapag ko naman ang hawak kong inumin sa mesa sa aking tabo bago pumasok ng aking personal na opisina. Kinuha ko ang ilang dokyumento at ang aking paboritong sign pen. Muli naman akong lumabas at bumalik sa bintana.

Para itong reading nook ko sa aking condo unit.

Hinila ko naman ang upuan at naupo. Nagsimula naman akong magbasa ng mga dokyumento at lingadaan ang mga ito habang iniinom pa rin ang tsaa. Muli kong ibinaling ang aking tingin sa labas ng bintana. Medyo nagising na ako at nabuhayan.

"Council Xean,"ang pagtawag ng isang tinig. Natigilan naman ako at napatingin. "Heto ang mga kontrato mula sa Adonis Gala kagabi. Kailangan lang naming ang mga lagda mo bago namin maipadala sa mga kliyente ang mga husband profile."

"Hindi na kailangan," ang tugon ko. "Puwede niyo nang ipadala sa mga kliyente natin ang mga detalye. Mag-uutos na lang ako ng mga field agent para personal na ipadala ang mga kontrata. Ah, Jace. Pakilagay ang mga ito sa opisina ko.

"Noted, Council Xean," ang tugon niya bago kinuha ang mga dokyumento na aking linagdaan. I signed more documents, especially from the Adonis Gala. "Jace," ang pagtawag ko nang lumabas siya ng opisina ko. Kaagad naman siyang lumapit sa akin.

"Yes, Council Xean?"

"Pakisabi kay Dina Vherdschen na kailangan ko siya ngayong araw.

"Sure, Council Xean."

Lumabas naman siya ng Legal Department upang sunduain ang pinapatawag kong field agent. Napatingin naman ako sa paligid and napangiwi nang Makita ang estado ng lugar. Kailangan ng major makeover ng lugar. Sa tingin ko ay kailangan kong dumaan sa Finance Department para mag-request ng budget. "Pero ankapag-request na ako ng budget para sa teambuilding activity," bulong ko sa aking sarili. "Oh, well. Para sa isang maayos na workplace, I guess it's still worth the try.  

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now