Chapter 44: Coffee Break

66 7 1
                                    


Xean's POV

"Seryoso, sa harap mismo ng vending machine?" utal ko habang papasok sa opisina ng Council of Gigolos. Nagkatinginan sina Council JC at Council Nathan bgo napatingin sa akin.

"Woah, parang galing sa adult video," komento ni Council Nathan.

"My gosh! Masyado kang nanonood niyan," reaksyon ko. Umupo ako sa upuan ko pagkatapos ay inis kong ipinatong ang kape sa mesa.

"Bakit ka ba galit na galit?" tanong ni Council JC.

"Hindi ako galit," sagot ko sabay tingin sa kanya. "I just saw some members of my team philandering with each other. I kept reminding these people na bawal ang office romance sa RnJ."

"Relax," payo sa akin ni Council Nathan. "Basta hindi talaga makakaapekto sa trabaho nila, ayos lang."

"No. It is not fine," pagtatalo ko.

"Geez, kababalik mo lang," komento ni Council JC. "Magpahinga ka naman. No need to be overdramatic."

"Ano?" reaksyon ko. "Hindi ako overdramatic." I turned on my computer at nagsimulang magtrabaho para sa araw na ito. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng isa sa mga kontrata nang pumasok si Raena.

"Council Xean," pagtawag niya.

Napatigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya. "Yes?"

"I just wanted to inform you that one of our wife clients requested a fake wedding," sabi niya sa akin.

"Okay? This is not the first time. Bakit mo sinasabi sa akin?"

"Ni-request nila ang fake marriage para magmukhang nangyari sa Korea."

"Then, just make the set up like it happened in Korea," I remarked, but I quickly realized something. "Fake wedding ba 'yun ni Steve?"

"Tama," pagkumpirma niya. "We'll be needing someone who can speak his language. At... ikaw lang ang marunong sa department natin."

"Naiintindihan ko," sagot ko. "Then, let me officiate the ceremony. Kailan ito?"

"Ngayong gabi."

"Sige," pagpayag ko. "Pupunta ako."

"I'll just inform you of the time, Council Xean," sabi niya habang papalabas ng opisina. Ipinagpatuloy ko naman ang aking ginagawa... but Marky is living in my head rent free. Bakit ba kasi siya ang nasa isipan ko bigla? At ang babaeng iyon, sino siya?

Gusto kong tingnan ang dalawa. Walang puwang para sa office romance sa Legal Department. Tumayo ako at lumabas ng opisina namin. Binagtas ko ang mga painting sa hallway at tinahak ang daan patungo sa Legal Department. The place is oddly quiet today. Nakita kong abala ang lahat sa ginagawa nila pagkapasok ko, lumapit sa akin si Liyana nangg mapansin niya ang presensya ko.

"Council Xean," pagtawag niya. "May problema ba? May kailangan ka ba?"

"Narito lang ako para tingnan ang mga miyembro natin," sagot ko. "Ang tahimik ngayon."

"Oh. Nagpunta ang iba sa venue kung saan gaganapin ang fake wedding ," sagot niya, pero masyado akong pre-occupied sa pag-scan sa buong legal department. "Council Xean, sigurado ka bang walang bumabagabag sayo?" tanong niya. "May hinahanap ka ba? Si Marky ba?"

"Hindi ko siya hinahanap!" paglilinaw ko.

"Nandiyan siya," turo niya. Mabilis akong tumingin at nakita ko nga si Marky na tahimik na nagtatrabaho sa desk niya.

"Lalabas siya mamayang hapon para tumulong sa hotel kasama ang iba," dagdag niya.

"Sino ang iba?" sunod na tanong ko.

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now