Chapter One: The Council

764 13 1
                                    


Xean's Point of View

"Ah, ang init!" ang reklamo ni Council JC. Kasalukuyan siyang nakaupo sa mesang katabi ng sa akin. Siya ang Head ng Physical Examinations Department ng mga bagong pasok na lalaking magtratrabaho bilang mga rinerentahang pekeng asawa.

Tama. At hindi ito isa lamang ka-echosan. Ngunit bago ang lahat, ang pangalan ko ay Xean Olivar, ang nag-iisang muse at diyosa ng Legal Departmnt ng RnJ Services at ang mga negosyo ng kumpanyang ito. Isa itong pribadong kumpanya na nag-aalok ng mga serbisyo sa mga elitistang babae sa bansa. Ang pangunahing serbisyo ng RnJ ay nag mga kalalakihang puwdeng mgapanggap bilang kanilang mga pekeng asawa.

Sa kung sino mang makakarinig ng tungkol rito... marahil ay iisa lang ang pumapasok sa kanilang isipan. Ang sagot ay, uhuh! Nakakabaliw mang isipin at hindi kapani-paniwala ngunit marami na akong nakilalang babaeng kinailangan ang ganitong serbisyo. At bawat isa sa kanila ay may espesyal na dahilan. Bago akonaging parte ng RnJ ay naging isa akong abogado; hanggang ngayon naman ngunit hindi ko na masyadong sinasanay ang pagiging isang defense lawyer. Para bang naubusan na ako ng enerhiya at pinagsawaan na ito. Ilang taon na ang nakalilipas, sila Johnny at Ricardo, ang mga may-ari ng RnJ ay personal na pinanyayahan ako upang maging miyembro ng kanilang pinapatakbong kumpanya. Inalok nila ako ng sahod na hindi ko talaga matatanggihan. Inalok nila ako ng sahod na mas malaki pa kaysa sa natatanggap ng isang patent lawyer. Kung titignan ang mga resposibildad na kailangan kong gampanan sa kumpanyang 'yun, masasabi kong win-win situation ito para sa akin at sa RnJ. Tinanggap ko ang trabaho at 'yun nga ang nagging simula ng aking kuwento sa RnJ bilang Head ng Legal Department.

"Kailangan ba talaga nating magsuot ng ganito?" ang sunod na reklamo ni JC. Nakakapagod na talaga ang kaartehan ng lalaking ito. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang magreklamo o matulog. Hinihintay naming ang aming bagong recruit na hired husband galing sa South Korea kaya naman pinagsuot ko sila ng tradisyunal na kasuotan mula sa bansang 'yun upang iparamdam sa kanya na siya ay mainit na tinataggap sa Pilipinas.

"Lakasan mo na lang 'yung air-conditioner," ang komento ko naman. "Tiisin mo muna. Isang oras mo na lang naming isusuot 'yan.

"Alam mo napaka-dramatic mo talaga kapag may bagong hired husband na papunta rito," ang komento niya kaya naman napasimangot ako.

"Anong magagawa ko?" ang tanong ko naman. "Isa akong kampon ng bahaghari. Isang Sang'gre. Malamang given na 'yun. Nakakahiya anman sa buhok ko," ang reaksyon ko bago itinuro ang aking buhok na nakulayan ng asul at berde. Napaikot n lamang ako ng mga mata.

"Hay naku," ang pahabol niya naming hirit. Pinanood ko naman siya nang kunin niya ang remote control at pinalakasan ang air-conditioner. Nagsimula na ngang lumamig ang aming opisina. Napatingin naman ako sa aking kaliwa; naroon si Council Nathan, ang head ng Psychological and Economic Assessment Department. Abala siya sa kanyang computer. May sarili siyang shipping company na nagbebenta ng mga prutas at gulay. Palagi mo siyang makikitang kumakain ng mais. Paborito niya ito kaya naman hindi na nakapagtataka na ang pangalan ng kanyang shipping company ay Cornhub. Hindi siya gaanong palasalita at sana ganoon din si Council Jc. Nakaka-stress siya dahil para siyang isang matandang nasa menopausal stage na palaging nanenermon. "Napakaharot mo talaga sa tuwing may singkit na darating."

"Ay, wow!" reaksyon ko. "Hoy, hindi ako humaharot! Manahimik ka na nga lang diyan sa sulok mo at magtrabaho."

Sa wakas ay nanahimik na kaming tatlo sa amng napakalawak na opisina at sinimulang magtrabaho. Kinuha ko ang mga file folders na nakalabag sa aking mesa. Kani-kanina lang ay binigay ito ng isa sa mga agents ko sa Legal Department. Isa-isa kong tinignan ang mga profile ng mga kare-recruit na hired husbands. Hindi talaga ako makapaniwala na may mga taong ganito sa Earth. Napaka-heaven ng pakiramdam dito sa RnJ. Nakuha ang aming mga atensyon nang may kumatok sa pinto. Nng magbukas ito ay isang napaka-guwapong Koreyano ang nagpakita. Siya na nga ang bagong recruit na aming hinihintay. ANg rinig ko ay ngayong araw nga ang kanyang dating sa Pilipinas kaya naman nagsuot kami ng damit na espesyal. Of course, Ideya ko ang lahat ng ito.

Written in the Stars (Taglish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon