Chapter Eighteen: Hall of Truth

100 4 0
                                    


Xean's POV

"Council Xean, hinahanap mo raw ako?" ang tanong ni Dina nang dumating siya.

"Oo," ang pagkumpirma ko naman. "May kailangan akong ipagawa sa'yo."

"Tulad pa rin ba ng dati?"

"Yuhp. Kailangan mo lang ihatid ang mga nalagdaang kontrata sa mga kliyente natin."

"Sure, Council Xean. No Problem." Kinuha naman niya ang mga dokyumento mula sa aking mga kamay.

"Thanks, Dina." Lumabas naman siya ng Legal Department. Palabas na rin sana ako nang dumating naman ang ilang agents, bitbit ang mga karton. "Natapos na ba ang lahat?"

"Yes, Council Xean," ang tugon nilang lahat.

"Kailangan lang naming mag-ayos ulit," ang wika ni Liyana. "Tapos babalik na rin kami sa aming mga kanya-kanyang trabaho.

Napangiti naman ako at tumango. "Dito muna ako pansmantala."

"Council Xean," ang pagtawag naman ni Jace. "Huwag mong kalimutan ang kaso mo mamayang alas-onse."

"Anong kaso?" ang nagtataka ko namang tanong. Hindi ko maalala ang tinutukoy niya.

'Pinapatawag mo si Carlos Garcia."

"Ah," ang walang emosyon ko namang reason. Si Carlos Garcia ang isa sa mga paborito ko ngayon. At dahil sa hindi kagandahang rason. Paano ba namang hindi? Sa kanyan nanggagaling ang stress ko. Kung may hired husband man na nagunguna sa paglabag ng palatuntunin ng RnJ, siya na 'yun. "Ang gago.:

"Sino?" ang tanong ng isang tinig sa aking tabi. Halos mapatalon naman ako sa gulat.

"Marky! Gago ka!" Hindi ko nga napigilang mapasigaw dahil sa biglaan niyang pagsulpot. Natawa naman ang mga agents na nakasaksi at nakarinig.

"Council Xean," pagtawag naman niya sa akin. "Na-offend ako ang wika niya sabay tubi ng kanyang mga braso.

"Pasensiya na," ang kaagad ko namang paghingi ng paumanhin sabay hawak sa kanyang braso. "Sandali lang, ano?" wika ko nang may mapagtanto bago binawi ang aking kamay. "Paanong naging kasalanan ko? Ikaw 'yung basta-basta na lang lumiitaw." The nerve of this man. Mas lalong natawa ang mga tao sa Legal Department.

"Council Xean, napaka rupok mo talaga kapag guwapong lalake," ang pagpuna sa akin ni Raena.

"Guwapo? Sino?" ang tanong ko bago napasulyap kay Marky na ngnitian ulit ako. "Fine. Guwapo nga siya," ang pagsuko ko. "Pero hindi ako marupok. Magsitrabaho na nga kayo."

Ipinagpatuloy na nga nila ang kani-kanilang mga gawain. Napatingin naman ako kay Marky na nakatayo pa rin sa tabi ko. "Ano pang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

"Council Xean," ang pagtawag niya sa akin na tila ba isang bata na manghihingi ng candy. "Gusto ko sanang magtrabaho rito. Katabi ng table mo."

"Anong tingin mo rito? Library?"

"Puwede tayong umarte na mag-schoolmates tayo," ang tukso naman niya.

"Marky."

"Council Xean, medyo maginaw," ang reklamo niya. "Kailangan ko ng kaunting init para makapagtrabaho nang maayos at mabilis."

"Fine," ang pagsuko ko. "Maupo ka lang diyan at magtrabaho nang tahimik."

"Will do," ang tugon naman niya bago nagtungo sa kanyang office desk. KInuha niya ang kanyang laptop at ilang bagay. Napakibit-balikat na lang ako bago umupo at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Hinanap ko ang mga dokyumento patungkol sa kaso ni Carlo Garcia. "Raena," ang pagtawag ko.

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now