Chapter 50: Elevator

77 7 1
                                    


Xean's POV

Iminulat ko ang aking mga mata nang magsimulang tumunog ang aking alarm. Agad kong inabot ang phone ko at pinatay ito. Nakaramdam ako ng kaunting bigat sa aking baywang pati na rin ang mainit na pagbuga ng hangin sa likod ng aking leeg. Mabilis kong naramdaman ang pagyakap sa akin ni Marky. Mas humigpit 'yun habang pilit kong inaalis ang braso niya.

"Marky, we need to get up," sabi ko sa kanya.

"Kailangan ba talaga?" tanong niya bago hinalikan ang batok ko.

"Marky, stop," mahinang sabi ko sa kanya. "Nakakakiliti."

"Pwede bang... magpalipas pa tayo ng ilang minutong ganito?" tanong niya.

"Nag-eenjoy ka na naman, 'di ba?" pang-aasar ko.

"Oo," sagot niya habang nakasubsob ang mukha niya sa batok ko.

"Kung gayon, what's in it for me?" tanong ko.

"How about eggs and sausage para sa almusal?" suhestyon niya.

"Seryoso?" reaksyon ko na ikinatawa niya.

"Tingnan natin," sagot niya.

"Marky, bumangon ka na," bilin ko; tumalima naman siya.

"Did you sleep well?" tanong niya.

"I did," sagot ko. "Ikaw ba?"

"Para akong nasa langit," sagot niya at ngumiti. "Salamat kasi ginawa mong espesyal aking kaarawan."

Ngumiti ako at tumango. "Mas mabuting maghanda tayo."

"Mauna ka na sa shower room," sabi niya sa akin. "I'll prepare your clothes... I mean, yung damit ko na isusuot mo ngayon."

"Salamat," sagot ko. Itinuro niya ang isang brown wooded door which I guess is the restroom. Tumungo ako doon; and it was indeed, the shower room. Nagsimula akong maghubad at pagkatapos, naligo.

"Marky, pwede bang humiram ng blow dryer?" Tanong ko pagkalabas ko. Naoatitig lang naman siya sa akin. Kakatapos ko lang maligo at nakatapis lang ng tuwalya ang bewang ko. "Marky?" pagtawag ako na nagpabalik sa kanyang katinuan.

"S-sorry. Ano nga ulit yun?"

"Sabi ko gusto kong humiram ng blow dryer," sagot ko.

"Oh," reaksyon niya. "N-nasa itaas na drawer... doon," sabi niya saby turo sa isang cabinet. "Kunin mo na lang. At ang mga damit mo... narito sa kama. Maliligo na ako." Nagmadali naman siyang pumasok sa shower room. Napakunot naman ang noo ko sa nakita ko. What's up with him? Nagsimula akong magbihis gamit ang damit ni Marky. "This looks good," bulong ko sa aking sarili bago isinuot ang short sleeve pink button-down shirt. Pumili rin siya ng isang pares ng beige na pantalon para sa akin. Simple lang ang taste ni Marky sa pananamit. It's not a bad thing and I really find it cute about him. I guess what really attracted me to him is 'yung pagiging simple niya. And just like what I told him, I hate grey areas. Wala siya dun.

Lumabas kaagad si Marky sa shower room nang matapos akong magbihis. "You look nice," sabi niya nang makita niya ako. Lumingon ako at tumingin sa kanya. Nasa harapan ko ang perpektong hugis ng katawan niya.

"Liking the view?" tukso niya.

"Uhuh," sagot ko habang nakatitig sa abs niya.

"Kung ganoon, hindi muna ako magbibihis."

"Yeah, you do that," ang wala sa sarili kong pagpayag. Mabilis naman akong umiling at iniwas ang atensyon ko. "Anong sinabi ko?!" sigaw ko sa aking isipan ko. "I mean, magbihis ka na!"

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now