Chapter 48: Baby

77 10 1
                                    


Xean's POV

Si Marky ay tulad ng isang bote ng red wine ngunit ang kanyang mga labi ay lasang mansanas.

"So..." mahina niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"So, what?" tanong ko naman.

"Kamusta 'yung halik?" tanong niya. Medyo nahiya ako sa tanong na 'yun.

"Your lips," halos pabulong kong sagot.

"Oh, what about them?" pang-aasar niya.

"They tastes like apples," sabi ko.

"Gusto mo bang matikman ulit?" tanong niya.

"I just said that you won't get any—" Natigilan ako nang magnakaw lang siya ng halik; dumampi ang labi niya sa labi ko sa pangalawang pagkakataon. "Marky!" reklamo ko na ikinatawa niya.

"Natikman ko lang 'yong mga labi mo pero naadik na agad ako sa kanila," pang-aasar niya. "Pwede bang isa pa?" tanong niya habang nilapit niya ang mukha niya pero mabilis kong tinakpan ng kamay ko ang mga labi ko. "Bakit? Ayaw mo ba sa mga halik ko?

"Gusto," sagot ko pero kaya kong maghintay.

"Here," sabi niya bago may kinukuha sa bulsa niya. Inabot niya sa akin ang isang apple-flavored lip balm.

"Bakit mo ito binibigay sa akin?" nagtatakang tanong ko.

"Para hindi mo ma-miss ang lasa ng mga labi ko," tukso niya. "Pero huwag ka nang humalik ng ibang lalaki."

"Why should I?" reaksyon ko.

"So, you also like me," nakangiti niyang pagkumpirma. "I can't believe this. Sabihin mo sa akin hindi ako nananaginip."

"Stop being so overly dramatic," sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Panaginip ka lang," sabi niya. "at ngayon naabot na kita sa wakas."

Hinila niya ako patungo sa sofa bago binuksan ang music player.

"Totoo ba na dahilan ng paglipat mo sa legal department ay dahil sa akin?" tanong ko.

"Yes, that is true," pagkumpirma niya.

"Pero gusto kong malaman kung kailan ka nagsimulang magkagusto sa akin," sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya.

"I don't know if you'll believe me but... it was love at first sight," paliwanag niya.

"L-love at first sight?!" ang gulat kong pag-uulit. Hindi ko alam na naniniwala siya sa ganoong bagay. "Napakahirap paniwalaan."

"I guess so," sang-ayon niya. "Ngunit nabighani talaga ako sa iyo nang makita kita. Naglalakad ako isang araw sa labas nang makita kitang nakatayo sa tabi ng bintana, nakatingin ka sa puno ng banaba. May kung ano sa iyo na madali akong naakit. Pero mas naaakit ako nang nakita ko kung paano mo tratuhin ang iyong mga empleyado."

"Paano ko ba sila tratuhin?"

"Parang pamilya," paliwanag niya. "You have a golden heart. At mas nahulog ang damdamin ko para sa iyo nang sa wakas ay nagkaroon ako ng pagkakataong makausap at makasama ka. At tuwang-tuwa akong nakilala ang totoong ikaw."

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na ako pala 'yung taong gusto mo?"

"Medyo nahihiya ako at hindi ko alam kung magugustuhan mo rin ako," paliwanag niya. "Kailangan ko munang maging malapit sayo at mapaibig din kita."

"At inisip ko lang na natural na maharot ka," komento ko. "Nanliligaw ka talaga!" Napalunok ako nang mapagtanto ko ang bagay na ito.

"Ganun na nga," ang wika niya habang tumatawa ng malakas. "Pero hindi ka naman naapektuhan."

Written in the Stars (Taglish Version)Where stories live. Discover now